Sa panahon na nakakabagot ang oras at sa kawalan na magawa sa oras ng trabaho o maging sa oras ng pamamahinga ay malaking tulong ang paganahin ang imahinasyon at gawing kaiga-igaya ang bawat oras hanggang sa hindi mo namamalayan na “Aba, uwian na pala”
Sa mga oras na ito at sa buong maghapon ay makailang beses na akong tumayo sa aking kinauupuan upang hindi tuluyang ibagsak ng aking mga mata ang pang-aakit na maidlip at matulog sa oras ng trabaho.
Madalas mas nakakalamang ang walang ginagawa sa loob ng opisina. Di ko mawari kung papaano ko gugugulin ang buong maghapon ko na maging abala gayong halos lahat na yata ng mga bagay na dapat ayusin na dati nang nakaayos ay inaayos pa rin para masabi lamang na may ginagawa.
Nakakabagot.
Ang akala ko nung una ay ako lamang ang walang ginagawa minsan sa buong maghapon. Hindi pala. Halos lahat kami ay may kanya-kanyang diskarte kung paano namin hihilahin ang oras namin na hindi namin namamalayan na “Aba, uwian na pala…”
Bagamat, hindi maitatatwa ng lahat na sa pagpasok pa lamang ng opisina at pagbukas ng kani-kanilang mga PC ay kasama sa mga nakabukas na tab ay ang walang kamatayang Facebook at YM maliban sa company mail na halos nakadikit na yata sa buhay ng tao.
Pansinin nyo minsan.
Iisipin mo bang ang kasamahan mo ay nagtatrabaho talaga kung makikita mo siyang biglang ngingiti at bubungisngis ng palihim..Hmnnn…may milagrong ginagawa..hahahahah..Panigurado, may kausap siya sa Facebook o sa chatroom na nagpapasaya sa kanya…
Magkaminsa’y magugulat ka na lang na parang may dinaramdam ang kasamahan mo sa trabaho…sapagkat bakas sa kaniyang mukha ang tila kalungkutan. Para malaman mo ang dahilan ay sumimple ka ng diskarte para makita mo ang dahilan ng kanyang tila pagdadalamhati…hmnnn, nanonood pala ng telenobela na “Walang Hanggan”…hahahahah…Ooops, wag mong aabalahin, nasa climax na siya ng pagpatak ng kanyang luha…baka maudlot…hahahahha
Minsan naman, di mo namamalayan wala na ang katabi mo sa upuan.
Nagpaalam ba ‘ika mo na pumunta ng CR para magbawas?…Huh??...Kalahating oras na ah?...
Hmnn, hintayin mo ang kanyang pagbalik at mababakas mo sa kanyang mukha ang isang marka na wari ay kamay na pinantukod sa parte ng mukha habang nasa loob ng CR upang makaidlip…Subukan mong pansinin ang marka na iyon at ngingiti lang siya…SUCCESS sa pagkakatulog….
Magkaminsan naman ay magugulat ka na may e-mail notification kang matatanggap. Pag binuksan mo ang nakalagay ay: Bentong added a photo of you. To approve this for your timeline, go toTimeline Review. Aba si Bentong na nasa kabilang departamento lang ay nagawa pang mag-upload ng mga larawan namin at matiyaga pang nagtatag habang lahat kami ay nasa opisina…Akala ko kami lang walang masyadong ginagawa..Sila rin pala....At teka, naka-Instagram pa nga..
Hindi lang iyon, may matatanggap ka pang mga notification request sa mga games sa FB. Pag hindi mo agad na-accept ang invitation lalo’t mahalaga sapagkat malapit ng mabuo ang kanyang binubuong gusali sa Cityville ay magugulat ka na lamang na may tatawag sa iyong extension line para lang iaccept ang help na hinihingi niya…Nagawa pa ngang maglaro ng mga games application….kurimaw talaga…haahahha
At katulad sa mga oras na ito, di ko namamalayan na uwian na pala at nabuo ang buong maghapon na nailathala ko agad ang samu’t saring kaganapan na naganap lamang sa buong maghapon.
Hay salamat sa mapanuring mga mata ko sa mga kilos at galaw ng aking mga kasamahan ay nakabuo ako ng makulay na lathalain sa araw na ito…
Hanggang sa muli…