Nakita ko lang uli ang pic na ito. And I just want to share a short story of mine.
Ito ang unang larawan ko sa NAIA. It was mixed emotions. Kasi hindi ko alam kung ano magiging buhay ko abroad. It's my first time na mapalayo sa family ko ng ilang libong milya and at the same time magtatrabaho sa ibang bansa with a different culture and environment.
Behind that photo is yung pigil na luha. Kasi gusto ko na makita ako ng family ko na I am strong and "I am okay". Pero sa sarili ko sinasabi ko "ilalaban ko talaga ang buhay namin sa hirap". And that's a promise I made to myself!
God is good kasi HE protects me all the way. I couldn't imagine na aabot ako ng more than 13 years abroad. And the trust of the Al Hasoun Sejong Company at lalo't higit ang Daewoo E & C is so much a blessing.
God knows what's my heart desire kung bakit ko iniwan ang teaching profession na una kong minahal nang sobra. Yung iwanan ko ang last advisory class ko (IV-St. Vincent De Paul- Batch 2008) and the school (Columban College) is a hard decision and at the same time is heartbreaking.
Sa mga unang buwan ko abroad, sa totoo lang ay ilang araw akong lumuluha. Hindi ko alintana ang amount of money for the long distance call. Gusto ko lang makausap family ko. Ilang beses ba akong lumuha? Di ko mabilang. Ang unang workplace ko sa unang kumpanya ay LITERAL na DISYERTO ang kapaligiran . Wala kang makikitang nagtatayugang gusali o alinmang pampublikong pamilihan at sasakyan. Kailangan mo pa maglakad ng tatlong Kilometro na mahigit, bago ka makarating sa pinakalabasan na kung saan naroroon ang mga pampublikong sasakyan na maghahatid sa iyo sa syudad.
I almost give up on my dreams. Pero sabi ko sa sarili ko "Hindi ako uuwi na talunan! Nandito ako para sa pamilya ko" Kumapit ako sa Diyos. Humingi ako ng lakas ng loob. And nothing is impossible with God. God will never leave us behind because HE knows what's in our HEART. Sa maniwala man kayo o hindi, God is always there even in your darkest hour. He will never leave you EMPTY. At naramdaman ko iyon talaga nang sobra until now at bonggang-bongga talaga ang pagmamahal ni God.
Lahat ng pangarap ay hindi madali. Because life is like a marathon. Walang shortcut. Lahat talaga pagdadaanan mo and all the good and bad experiences will make you strong and a better version of yourself. Working abroad is very challenging but more rewarding. Lalo pa kapag napagtagumpayan mo iyong hangarin mo for your family.
Remember, if you are selfless, God is always there to guide you and protect you EVERYDAY.
Sa totoo lang, mabigat sa loob ko na iwanan ang Teaching profession which I served for more than 9 years. Hindi ako naghangad ng best for my family but I want them to have a COMFORTABLE LIFE.
At sa mga taong tumulong sa akin at umunawa sa akin nang sobra ay HINDI KO KAYO NAKAKALIMUTAN until now. WIthout all of you, hindi magiging komportable ang buhay ng pamilya ko lalo na ang mga bata. Kayo ang pinakadahilan ng lahat ng blessings na tinatamasa namin.
Sa mga kapwa ko OFW, laban lang tayo lagi sa hamon ng buhay. Remember that God will never disappoint you instead HE will guide you in your every step and He will redirect you to the right path.
Continue Chasing your dream