Ang alam kong layunin
ng Ice Bucket Challenge ay makalikom ng donasyon para makatulong sa mga taong
nagsasagawa ng pag-aaral sa karamdamang Amyotrophic Lateral Scierosis (ALS). Gayundin ay upang ipalaganap ang kaalaman ng sakit na ito at
maipadama ang suporta sa mga taong may ALS…Aba, nagulat ako at tila ginawa na
yatang libangan ng mga tao ang Ice Bucket challenge na ito..Basang-basa ang newsfeed
ko sa Facebook sa kakaligo ninyo.
Kung mapapansin n’yo
ay halos lahat na yata ng tao ay nagkaroon ng partisipasyon sa challenge na
ito, katulad ng mga kilala sa antas ng lipunan saan man panig ng mundo at
maging ang mga ordinaryong tao. Pati ang mga bata ay nakibahagi na rin na tila
alam nila ang dahilan ng pagtanggap nila sa hamon na ito. Ang daming
nominasyon. At ang lahat ng mga taong nakakatanggap ng nominasyon ay
tuwang-tuwa at naghahamon rin. Pero may naidonate ba kayo?
Aminin natin na ang
ilan sa mga taong nakibahagi sa Ice Bucket Challenge na
ito ay may tunay na partisipasyon at sadyang nakibahagi sa tinatawag na
Challenge for a cause. Ngunit, tila ang iba naman ay di nauunawaan ang
tinatawag na misyon ng ALS.
Mistula na itong
ginawang katuwaan ng kahit sino. Hindi nila nauunawaan na ang pagbuhos ng Ice
Bucket sa kanilang buong katawan ay upang maramdaman nila at maunawaan nila ang
karamdaman ng mga taong may Amyotrophic Lateral Scierosis. Hindi ito biro o
isang laro na dapat pagtawanan o gawing kasiya-siya.
Masakit panoorin ng
isang kaanak sa pamilya na may Amyotrophic Lateral Scierosis na tila ginawa na
itong katuwaan ng ilan. Hindi nauunawaan ng mga tao ang abang kalagayan ng
isang taong may karamdaman nito. Mabigat sa kalooban ng pamilya ang makitang
unti-unting naghihirap ang kalagayan ng isang taong mahal nila sa buhay na
dinaranas ang sakit na ito. Pero sa iba ay tila hindi nila alintana. Subukang natin minsan magbasa at nang maunawaan natin. Masakit
na pagmasdan kung ang kaanak natin ay may ALS. Na nakikita mong naninigas
at namamaga ang kalamnan niya, na ikinahihina at nakakaapekto sa kanyang
braso, hita at maging ang kamay. Nahihirapan silang magsalita o dili kaya’y
nabubulol. Nakakaranas din sila nang paghirap sa paglunok o pagnguya ng kanyang
kinakain. Maging ang pag-angat ng ulo ay hindi niya kaya. At hindi mo maaasahan
na makakatayo o makakalakad bunga ng kahinaan nang kanyang kalamnan.At higit
sa lahat ay nalilimitahan ang kanyang pamamalagi sa mundo sapagkat hanggang sa
kasalukuyan ay wala itong lunas o gamot na puwedeng magpahilom.
Ang layunin ng
organisasyon ng ALS ay maimulat tayo sa karamdamang ito- ang maramdaman ang
kalagayan ng mga taong may ALS. Maunawaan
natin sila sa ganoong sitwasyon.At higit sa lahat ay makatulong tayo na mapuksa at mahanapan ng lunas ang sakit na ito
na pinapatay ang buong pandama ng tao at kalauna’y pagkalagot ng buhay.
Hindi
ko naman maikakaila na sa ibang banda ay maraming gustong makibahagi dito. Ang
ilan nga ay nagpakita ng sinseridad sa kanilang pagsuporta. May mga nagdonate
bago tinaggap ang hamon ng kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay. Pero ‘yung
iba, ay basta lamang tinanggap ang hamon na hindi nauunawaan ang misyon na ito. Ano ito, attention whore?