About Me

My photo
ABU DHABI, United Arab Emirates
Sa kabila ng mga ngiting inyong nasisilayan ay nagkukubli ang isang damdamin na naghahanap palagi ng mga tamang kasagutan. Tinutuklas ito ng mga matang mapagmasid, maging ng tengang nakikinig… at tinitimbang ng pusong nakadarama at maging ng isipang kumikilala. May mga saloobin na hindi kayang isigaw ng damdamin sa paraang hayagan. Tanging ang makinilya, ang pluma o papel ang tanging KAKAMPI, ang tanging makakapagpagaan ng umiiyak na kalooban…Tanging ito lamang ang magpapawi ng agam-agam o kalungkutan…Ang magpapasaya ng lahat.. Ang tutuklas at kikilala ng mga baluktot at magandang pangyayari sa buhay…

Saturday, January 15, 2022

The Challenge of 2022 in my Life

 Sometimes life can get tough. 

The first week of 2022 is pasabog agad sa akin and very challenging that really test my abilities but I stayed focused and think a positive way. "Laban lang!" as I always said to myself.

 But life is really too harsh because while I'm facing the first life trial head-on to bring me the feeling of positivity and satisfaction, hinataw uli ako in the second week of January but now it's different. I was tested POSITIVE! Yawa gi-atay! The results indicate the presence of SARS CoV 2 RNA in my specimen after the test. I was shocked! 

I immediately isolate myself and do the preventive measures to protect myself and others from getting sick. I continue the self-care practices in order to take care of my mental health and increase my ability to cope with life's ongoing challenges. And right away, I informed also our company regarding my situation. I did my re-test or second sample as per the advice by the DOH for confirmation. And the result is still POSITIVE. Yawa!

To be honest, I thought it was easy to handle these two trials in life that 2022 brings me. But I have suffered emotional disturbance, stress, irritability, and fear! I am getting paranoid about staying in a quarantine. I am distressed and have uncontrollable thoughts that really affect my perception. These two consecutive strikes and bigger challenges in the year of 2022 really affect me.  My wife was affected by how I responded to what's happening to me because my anxiety attacks me again! The advantage is that she easily manages me patiently and gets the care I need.

Very struggling. The utmost concerns and supports from my family and my close friends here in UAE help me to STAY FOCUSED and to TRUST THE PROCESS and everything will be alright because GOD is ALWAYS IN CONTROL. Their words help me to overcome and control things gradually.

We must trust God with what we can't control. There is no need to be stressed out or worried. Laban lang Buraot! You are Spiddy with great power. 

 

Wednesday, June 23, 2021

PHOTO: The Story Behind

 Nakita ko lang uli ang pic na ito. And I just want to share a short story of mine.

My first departure as an OFW and that was in March of 2008.
Ito ang unang larawan ko sa NAIA. It was mixed emotions. Kasi hindi ko alam kung ano magiging buhay ko abroad. It's my first time na mapalayo sa family ko ng ilang libong milya and at the same time magtatrabaho sa ibang bansa with a different culture and environment.
Behind that photo is yung pigil na luha. Kasi gusto ko na makita ako ng family ko na I am strong and "I am okay". Pero sa sarili ko sinasabi ko "ilalaban ko talaga ang buhay namin sa hirap". And that's a promise I made to myself!
God is good kasi HE protects me all the way. I couldn't imagine na aabot ako ng more than 13 years abroad. And the trust of the Al Hasoun Sejong Company at lalo't higit ang Daewoo E & C is so much a blessing.
God knows what's my heart desire kung bakit ko iniwan ang teaching profession na una kong minahal nang sobra. Yung iwanan ko ang last advisory class ko (IV-St. Vincent De Paul- Batch 2008) and the school (Columban College) is a hard decision and at the same time is heartbreaking.
Sa mga unang buwan ko abroad, sa totoo lang ay ilang araw akong lumuluha. Hindi ko alintana ang amount of money for the long distance call. Gusto ko lang makausap family ko. Ilang beses ba akong lumuha? Di ko mabilang. Ang unang workplace ko sa unang kumpanya ay LITERAL na DISYERTO ang kapaligiran 🤣🤣🤣. Wala kang makikitang nagtatayugang gusali o alinmang pampublikong pamilihan at sasakyan. Kailangan mo pa maglakad ng tatlong Kilometro na mahigit, bago ka makarating sa pinakalabasan na kung saan naroroon ang mga pampublikong sasakyan na maghahatid sa iyo sa syudad.
I almost give up on my dreams. Pero sabi ko sa sarili ko "Hindi ako uuwi na talunan! Nandito ako para sa pamilya ko" Kumapit ako sa Diyos. Humingi ako ng lakas ng loob. And nothing is impossible with God. God will never leave us behind because HE knows what's in our HEART. Sa maniwala man kayo o hindi, God is always there even in your darkest hour. He will never leave you EMPTY. At naramdaman ko iyon talaga nang sobra until now at bonggang-bongga talaga ang pagmamahal ni God.
Lahat ng pangarap ay hindi madali. Because life is like a marathon. Walang shortcut. Lahat talaga pagdadaanan mo and all the good and bad experiences will make you strong and a better version of yourself. Working abroad is very challenging but more rewarding. Lalo pa kapag napagtagumpayan mo iyong hangarin mo for your family.
Remember, if you are selfless, God is always there to guide you and protect you EVERYDAY.
Sa totoo lang, mabigat sa loob ko na iwanan ang Teaching profession which I served for more than 9 years. Hindi ako naghangad ng best for my family but I want them to have a COMFORTABLE LIFE.
At sa mga taong tumulong sa akin at umunawa sa akin nang sobra ay HINDI KO KAYO NAKAKALIMUTAN until now. WIthout all of you, hindi magiging komportable ang buhay ng pamilya ko lalo na ang mga bata. Kayo ang pinakadahilan ng lahat ng blessings na tinatamasa namin.
Sa mga kapwa ko OFW, laban lang tayo lagi sa hamon ng buhay. Remember that God will never disappoint you instead HE will guide you in your every step and He will redirect you to the right path.

Continue Chasing your dream

Wednesday, August 28, 2019

Assignment? Malaking isyu ba ito para sa mga mag-aaral at mga magulang?




Lumaki kaming magkakapatid na namulat sa araw-araw na paggawa ng assignment simula elementarya pero ni minsan ay di ko narinig na dumaing ang aming magulang sa mga takdang-aralin na binibigay ng aming mga guro at paaralan. Sa katunayan, kapag wala nga kaming assignment ay nagagalit pa magulang namin. Minsan, may pagdududa pa nga sila. 


Kapag napatunayan nilang wala talaga kaming assignment, ay hindi nila kami pinahihintulutan na maglaro o maglibang, maliban na lamang kapag araw ng sabado at linggo. Gusto nilang maging mahalaga ang bawat oras namin. Pinagbabasa nila kami ng mga libro o dili kaya’y tinuturuan nila kami sa matematika at agham. Minsan nga ay napapalo pa kami kapag mali ang sagot namin o kaya ay mali ang pagbigkas namin sa wikang ingles. 

Noong una, bilang batang isipan ay hindi ko naintindihan yung halaga ng pinaggagawa sa amin ng aming magulang. Yung pinagbabasa pa rin kami sa bahay o kaya minsan ay ginagawan pa kami ng test paper para aming sanayin o sagutin. Gayung sa paaralan ay ginagawa na namin iyon.

Akala ko noon, masyadong mahigpit o sadyang strikto lang magulang namin.

Pero di naglaon, napatunayan ko ang halaga ng bawat takdang-aralin na ibinibigay sa amin ng mga guro. Mas nagkaroon kami ng pagpapahalaga sa oras, nagiging responsable at may pagpapahalaga sa lahat ng bagay. Ang karunungan namin ay naging dagdag karunungan at kaalaman din sa aming mga magulang. Bakit kamo? Sapagkat mismong magulang namin ay may mga natutuklasan silang mga bagong kaalaman mula sa aming mga guro sa pamamagitan ng takdang-aralin. Minsan natatawa sila sapagkat hindi rin nila alam yung aralin. Natututo na rin silang magsaliksik at magbasa. Nagkaroon kami ng panahon na magbahaginan ng opinyon at kaalaman batay sa takdang-aralin. Mas nahasa ang aming karunungan at isipan. Mas nakita namin ang ibang kagandahang dulot nito sa aming pamilya. Mas pinaunawa ng magulang namin yung halaga ng kaalaman, karunungan, disiplina sa sarili at pagkakaroon ng responsibilidad.

Di n’yo ba naitatanong na malaki ang naging impluwensya ng mga guro ko sa akin. Itinuring nlla kaming mga parang tunay na anak sa loob ng paaralan. Nandoon ang pag-aalala sa aming grado. Nandoon ang panahon na inilalaan nila ang oras nila ng libre para maturuan kami nang wasto. Pero di ko alintana noon na mas marami pa pala silang gawain na dapat harapin sa paaralan na hanggang sa tahanan ay tinatrabaho pa nila kahit gabi na. Minsan ay nakakalimutan na nila ang obligasyon nila bilang magulang dahil sa tambak ng trabaho sa paaralan. Sa kagustuhan lang nila na matuto kami sa mga aralin sa araw-araw at matutong magpahalaga sa buhay at pagdidisiplina. Sapagkat, ang totoong takdang aralin ay ang hamon ng buhay.

Nito ko lamang natuklasan ang sakripisyo ng mga guro namin nang ako ay maging isang ganap na guro. Maliban sa mga magulang namin ay saludo ako sa dedikasyon nila. Ang ilaan ang buong panahon nila sa amin upang matuto. Nakita ko ang kakulangan sa paaralan pero nagagawang pagsikapan ng mga guro na maihatid nang wasto ang karunungan at kaalaman sa aming mag-aaral. 

Nalulungkot lang ako na marinig na ang pagbibigay ng isang takdang aralin sa mga mag-aaral ngayon ay parang isang mabigat na krimen.

Ang kakarampot na sahod nila ay parusa na. Ikukulong nyo pa sila?

Saturday, July 2, 2016

Ibang Mukha ng Buhay


(Conversation yesterday to a one Filipina- OFW): 

Yesterday morning while sitting inside the bus stop area and waiting for the bus transportation going to gym, I saw a one Filipina sitting also in the other corner. She looked at me and smiled. And in courtesy, I smiled back. She asked me if I am a Filipino. I answered him “Opo, Filipino po ako”.

Filipina: Akala ko po kasi Malaysian kayo. 

Me: (“huh? Minsan napagkakamalan ako Chinese minsan naman ibang lahi, ano ba talaga?” ang naitanong ko na lang sa sarili ko). Filipino po ako Kabayan (inulit kong sabihin) 

Afterwards she approached me of her business. As usual, it’s a networking business which is not my field of interest so I declined her offer politely and with respect. 

We’ve talked each other. It’s a long conversation anyway. I’ll give you only some of the highlights of our conversations. 

The conversations are not exactly the same but it has the same thoughts. 

Filipina: Matagal na po kayo dito? 

Me: Almost 8 years na rin. 

She asked my job and some of my experiences working abroad. And I shared some of my experiences based on her questions until she asked me about: 

Filipina: Mabuti po wala kayong chicks (girlfriend) dito? 

Me: (Laughed) Wala. 

Filipina: Bakit po? Nandito rin po ba ang asawa n’yo? 

Me: Wala. Nasa ‘pinas siya. Dun siya nagtatrabaho. 

Filipina: Bakit po wala kayong chicks dito? Kasi yung ibang mga lalaki kahit may asawa na e single kapag nasa ibang bansa na at may mga binabahay na pala at sinusustentuhan.

Me: (laughed again but afterwards I answered her seriously) I love my wife, I love my family. And I respect the sanctity of marriage and our vows. Though may mga misunderstanding pero hindi yun reason at hindi rin reason ang pag-aabroad para mangaliwa. Ayokong masira ang tiwala sa akin ng asawa ko, ng pamilya ko at nang pamilya ng asawa ko. Mahirap kapag may pamilyang nasasaktan. Nagwowork ako dito para sa kanila hindi para sa iba kahit alam kong malaya at malayo ako sa kanila. And it’s a WASTE of TIME and WASTE of MONEY. Yung perang gagastusin ko sa mga babae e i-save ko na lang at ipadala ko na lang sa pamilya ko. Masaya pa sila. At least sa simpleng bagay ay naramdaman nila ang presence ko. 

Filipina: Mabuti ka pa kuya ganyan ang pananaw mo sa buhay. Yung dati kong asawa ay nasa abroad din, tapos matagal na niya pala kaming niloloko ng mga anak namin, may babae pala siya sa ibang bansa..(and she tells her story about her unfaithful husband. It seems that we’ve known each other in a long time) 

I just noticed her sounds of voice is about to cry while sharing her married life. Mabuti na lang may tatlong ibon na nagharutan sa labas ng waiting area, nauntog kasi yung isang ibon sa door glass sa kalandian so we are interrupted at sinabi ko na lang ang “cute ng mga ibon ‘no, dito e malaya ang mga ibon magsilipad, kung sa pinas iyan e tinitirador na iyan”… and I immediately change the topic (baka kasi tuluyan na umiyak sa harapan ko e…Di ko alam kung paano ko patatahanin). But I advised her to be strong for her kids and never give-up. Most importantly, walk with God. Just keep the faith. 

Nagmistula tuloy akong Pari kahapon…Para tuloy kaming nasa confession room...lolz. 

Jenny, I prayed that May God guide you in your journey and be at your side always until you navigate the ups and downs of life. May He provides you more strength and courage in your trials. 



Tuesday, May 24, 2016

In Memory of my Brother (Jerry Nel Moscardon Belnas)



It’s been long years we haven’t seen you after you decide to move to our province in Iloilo and Negros Occidental to continue and pursue your studies in High School. And choose to stay with our grandparents and other supportive relatives; and afterwards, you build your own family in Cotabato.

Since our younger years until this time before you died, our journey together as siblings were limited and we didn’t get a chance to share our lives together.

The pain of your death still stings although I can feel myself moving forward; ready for the acceptance. But I regret because I failed to see you and hug you again. And I guess our phone conversations are not enough. And in times of your life’s struggle, we failed to take care of you physically. And I felt so incredibly guilty for not telling you I loved you because I know how you love us as your siblings and how you protect us when we were young. And now, we never had that chance. I’m sorry Kuya. I wish I could give you one last hug & tell you how much I love & I miss you.

But I know things are better for you now. I will be eternally grateful for who you are and for what you brought gifts in our daily lives.

I know you share heaven with the Lord with mama and papa; you were a good Kuya, a kind man, and a loving father to your daughter. It’s painful that cancer took your health, but I believe God took your soul to be with Him always. You’ve left us with only memories but I promise you not to let them fade.

Thank you Kuya and you will always be in our hearts. Please look down on us and help us through times. We gonna miss you…And I love you.

Monday, May 9, 2016

Salamat Sen. Miriam Defensor Santiago






Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan at naaapektuhan ng labis sa mga nakikita kong parsyal na resulta ng halalan laban sa iyo madam Sen. Miriam Defensor Santiago.


Kusang dumaloy ang luha ko sa aking mga mata. Pakiwari ko ay nawalan na naman ako ng isang Ina na tagapagtanggol at tagapagpaalala.Pakiramdam ko itinakwil ka ng iyong mga anak.
 

Hindi ko maubos maisip ang daglian pagkalimot ng mamamayang Pilipino sa iyo. Hindi ko maubos maisip kung bakit ikaw ang nasa huli ng talaan. 

Nakalimutan na ng tao ang iyong talino, tapang at pakikipaglaban sa senado at kongreso laban sa katiwalian at korupsyon. Nakalimutan na nila ang iyong naiambag na mga batas para sa bayan. Ibinaon na yata nila sa limot ang iyong husay. Dumaan lamang na parang isang iglap ang lahat. Nakakalungkot. Pakiramdam ko ay pinabayaan ka na ng iyong mga anak matapos mo silang kupkupin at proteksyunan.

Hindi ko maintindihan ang lahat ng mga nangyayari sa kasalukuyan. Ito ba ay laban ng popularidad kontra sa husay na kredentsyal at talaan ng iyong kahusayan at pagkatao?

Ang higit ko lang naiintindihan at nauunawaan ay nais mong gawing mabuti at malinis ang bansang Pilipinas. At higit kong nauunawaan ang iyong mabuting hangarin para sa amin.

Wala kang ibang hinangad para sa iyong sarili bagkus ang mapaglingkuran lang kami at ang bayan.
 
“Our mom dedicated her life into serving the nation. If we are to be asked, we would not want her to run for the Presidency again so she can enjoy her retirement. But she said sickness will not stop her from her goal of uplifting the lives of our countrymen. Sayang naman daw po pinag-aralan niya, ang lahat ng mga nalalaman niya, lahat ng mga aral na natutunan niya sa buhay kung hindi niya maipapamahagi sa bayan”-  Mechel Santiago, daughter-in-law of Sen. Miriam Defensor Santiago.

 
Sa kabila ng iyong karamdaman ay nagawa mo pang pagsilbihan kami sa halip na ilaan ang nalalabing panahon para sa iyong sarili at sa iyong sariling pamilya. Maaaring ang ilang mamamayang Pilipino ay takot silang mawala ka nang maaga na hindi mo matapos ang iyong termino kaya hindi ka nila nais na ihalal. Pero hindi nila inisip ang maaaring mangyari kapag hindi ka nila nailuklok sa pwesto. 

Marahil, alam din nila na ilang mga tanyag na opisyales at mga tao sa ibang bansa ang dumaan din sa mabigat na karamdamang tulad mo at ito ay kanilang napagtagumpayan .Higit pa rin na pinagkatiwalaan at kinikilala ng sandaigdigan. Pero sa atin? Masakit ang hatol ng kanilang mga salita. Masakit ang kanilang panghusga. Kahit na sinasabi at pinapagtunay mo na ang kawastuhan ng iyong kalusugan ay tila mas higit nilang pinaniniwalaan ang sinasabi ng ilan. Sila na ang humahatol sa iyong buhay nang higit pa sa Diyos na may alam.

Nakakasama ng loob na buhay ka pa ay tinutuldukan na nila ang iyong buhay. Pakiwari ko ay wala ka ng silbi sa kanila matapos mo silang mapaglingkuran, matapos mo silang patawanin sa iyong mga “pick-up lines” at matapos mo silang paligayahin sa iyong pakikipaglaban sa kongreso sa ngalan namin.

Hindi ako lehitimong maalam sa batas at walang hilig sa batas. Ngunit, ikaw ang nagbigay ng impluwensiya sa akin upang unti-unti kong maunawaan ang mga batas at kilalanin ito. Ikaw yung higit na nag-impluwensiya sa akin simula nang mag-ingay ang pangalan mo sa mundo ng pulitika. Matapang, Matalino, Mahusay, Tanyag at higit sa lahat may Pusong Ina

Nagsilbi kang inspirasyon sa akin at sana magsilbing inspirasyon ka rin sa ibang mamamayang Pilipino na sa kabila ng iyong karamdaman ay handa mo pa rin paglingkuran ang bayan.

Hindi ka man nailuklok sa pwesto bilang Pangulo ng Pilipinas, kaisa mo pa rin kami na higit na nagtitiwala sa iyong adhikain. Patuloy na magdadasal at magpapasalamat na mayroong Miriam Defensor Santiago na naging huwaran at handang pagsilbihan ang sambayanang Pilipino.

Pasensya ka na madam, we failed you.

But you are still our best President that we never had.



"HINDI KO ISINANGLA ANG KALULUWA KO AT KAILANMAN HINDI KO ISASANGLA ANG BANSA KO."- Miriam Defensor Santiago

 



I don’t have as much money as my rivals. All I have to bank on is the love of the youth; their idealistic support for me without asking money. I only have my volunteers.”- Miriam Defensor Santiago