About Me

My photo
ABU DHABI, United Arab Emirates
Sa kabila ng mga ngiting inyong nasisilayan ay nagkukubli ang isang damdamin na naghahanap palagi ng mga tamang kasagutan. Tinutuklas ito ng mga matang mapagmasid, maging ng tengang nakikinig… at tinitimbang ng pusong nakadarama at maging ng isipang kumikilala. May mga saloobin na hindi kayang isigaw ng damdamin sa paraang hayagan. Tanging ang makinilya, ang pluma o papel ang tanging KAKAMPI, ang tanging makakapagpagaan ng umiiyak na kalooban…Tanging ito lamang ang magpapawi ng agam-agam o kalungkutan…Ang magpapasaya ng lahat.. Ang tutuklas at kikilala ng mga baluktot at magandang pangyayari sa buhay…

Thursday, February 9, 2012

NASA TAMANG HUWISYO KA BA KABAYAN???


Isa akong OFW.

Sa ilang taon ko na pamamayagpag sa buhay-abroad at pakikisalamuha sa iba’t ibang lahi ay marami akong napagtanto lalo na sa mga ugaling pinoy. Di ko alam kung likas o sadyang nagpapakitang gilas lamang.

Hindi ito isang pagkukundena bagkus namamasid lamang ang mali at baluktot na gawain na maaaring magwasak ng pamilyang binuo na matapos buuin ay wawasakin rin lang pala.

Sa aking pagmamasid at pakikisalamuha sa ating mga kababayan, marami akong mga katanungan sa aking isipan. Ngunit ang mga katanungan na ito ay di ko maapuhap ng magandang kasagutan na masasabi kong solidong katwiran.

Mga katanungan na naghihintay ng mapaninindigang kasagutan.

Mga katanungan na nanatiling katanungan sa lahat at nilalaro na lang ng lahat.

Nakakatakot…!

Ngunit hindi sa aking sarili bagkus sa mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa kanila.

Kasi parang ginawa na lang nilang laro at palabas ang lahat…

Mga laro at palabas na alam nilang ang dulo nito ay magbubunga ng matinding lamat at magwawasak ng pamilyang umaasa…

Mga pamilyang umasa sa pangakong magsasama ng maluwat…

Minsan nga ay naitanong ko sa aking sarili…

Naihanda na ba nila ang sarili sa mga bagay na ayaw nilang mangyari?

O sadyang wala na silang paggalang sa asawa, anak at lalo’t higit sa kanilang SARILI?

Minsan nga ay nakakatuwang isipin, na matapos na ipagsawalang bahala ang iyong mga paalala sa posibleng mangyari ay sa bandang huli ay sa iyo rin pala lalapit upang humingi ng tulong at saklolo upang ayusin ang gusot na siya lamang ang may gawa…tsk tsk…

Mga taong naaalala ka lang sa panahon na alam niyang wala na siyang kakampi.

Mga taong naaalala ka lang sa panahon na kailangan niya nang karamay sa paglutas sa multong siya ang may gawa na kakatakutan din pala niya sa bandang huli.

Nakakatuwang isipin…dun ka lang pala niya alalahanin sa oras na nagigipit na siya sa bangungot na nilikha niya…
Mga panahon na minsan ay isinantabi ang iyong mga sinabi para sa kanyang ikabubuti.

Minsan naisip ko, bakit hindi niya kayang resolbahin ang problemang siya ang may gawa? Malakas nga ang loob niya nung sinuong niya ang baluktot at maling  daan para sa personal niyang kaligayahan, pero ngayong lilinisin na niya ang duming dinaanan niya ay di na niya kinaya?

Nasa tamang huwisyo ka nga ba kabayan???

No comments:

Post a Comment