About Me

My photo
ABU DHABI, United Arab Emirates
Sa kabila ng mga ngiting inyong nasisilayan ay nagkukubli ang isang damdamin na naghahanap palagi ng mga tamang kasagutan. Tinutuklas ito ng mga matang mapagmasid, maging ng tengang nakikinig… at tinitimbang ng pusong nakadarama at maging ng isipang kumikilala. May mga saloobin na hindi kayang isigaw ng damdamin sa paraang hayagan. Tanging ang makinilya, ang pluma o papel ang tanging KAKAMPI, ang tanging makakapagpagaan ng umiiyak na kalooban…Tanging ito lamang ang magpapawi ng agam-agam o kalungkutan…Ang magpapasaya ng lahat.. Ang tutuklas at kikilala ng mga baluktot at magandang pangyayari sa buhay…

Tuesday, January 24, 2012

MAY UTANG KA BA???

“Pare, pautang naman…kailangan ko lang kasi ng pera ngayon dahil may ……………….(mga samu’t saring dahilan na kauna-unawa naman)”

Naranasan mo na bang may dumulog sa iyo at sinabi niya ng diretsuhan na ipang-iinom niya lang ng alak o ipambabae o ipanlalaki niya o kaya ay sa mga walang kuwentang bagay?...Wala pa!…kasi kapag sinabi nila iyan ay paniguradong hindi mo pauunlakan…..Kaya kailangan na mag-isip ng magandang idadahilan na “ACCEPTED” ng taong iyong lalapitan……sa madaling salita “VALID”.

Nakakatuwa ngang isipin na maraming nakakaalala sa iyo sa panahon ng krisis ng buhay…..parang ang tingin ng tao sa iyo ay ikaw ang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS sa panahon ng kanilang paghihikahos…Hindi masama….Hindi masama ang tumulong sa iyong komunidad……Masarap ngang maranasan na makatulong sa tao sapagkat naisalba mo ang kanilang buhay sa kakapusan ng kakainin ng kanilang anak (?), sa kanilang mabigat na karamdaman(?), sa kanilang pag-aplay sa trabaho(?) pagkamatay ng kamag-anak(?), mabigat na karamdaman ng pamilya(?) mabigat na suliraning pampamilya(?)…at marami pang ibang kahabag-habag na dahilan na labis na ikadurugo ng iyong puso at ikababagabag ng iyong SARILING kunsensya….

kaya lang…..

kaya lang…….

kaya lang……….

Ooops, mahabang panahon na ang nakalipas….dumaan na ang buwan, mga buwan, taon, mga taon at ilang beses ng nagpainit si Haring Araw at nagpatulog si Reynang Buwan at tila……nasaan na kayo?????

Hayyyyy…..ang tao nga naman…kapag dumulog sa iyo ay walang patumpik-tumpik at mabilis pa sa tinatawag na “alas Kuatro” at sasabayan pa ng makabagbag damdamin nilang boses at kahabag-habag na mukha….ngunit sa panahon na kailangan mo na sila ay mas higit pa kay Pong Pagong sa kabagalan o katagalan sa pagtupad sa pangakong napagkasunduan…..

o kung hindi man ay tila iginuhit na nila sa tubig ang kanilang mga pangako….

o kung hindi man ay “IKAW PA ANG MASAMA!” at sila pa ang may karapatang MAGALIT.

Kasi makulit ka na nagpapaalala sa pangakong inyong napagkasunduan!…..

Oo nga no, makulit nga ako……Napagtanto ko na kaya pala ako nagtrabaho at nagpakalayo sa pamilya at pumalaot sa ibang bansa upang BUHAYIN ang lahat ng mga tao na nasa paligid ko???….

Hayyyyy…..Teka muna pala, naisip ko na naghihikahos nga din pala ang pamilya ko na kailangan din nila na maranasan ang ginhawa ng buhay..ngunit tila di nila magawa at di sila makaalagwa sa hirap ng buhay sapagkat may malawak na nakikibahagi sa aking pagsasakripisyo at pagpapakahirap sa mundo na malayo sa pamilya…..

PARAISO…..iyan ang tingin ng lahat ng tao sa lupain ng mga maunlad na bansa…Na lahat ng mga nasa ibang bansa ay nagkakamal ng mga malalaking salapi…at umiinog lang ang perang iyon sa kanyang mundo…..ikaw ang HARI ng iyong SALAPI….ikaw ang kanilang PAG-ASA…..hindi ng iyong pamilya kundi ng mga taong naghihintay na BAGYUHIN mo sila ng biyaya at AMBUNAN mo lang ang iyong pamilya…..

Ito ba talaga ang sistemang kinalakihan ng mga PINOY??...

Aba, kung magpapatuloy ang ganitong kalakalan ay wala na tayong ipinagkaiba sa mga LINTA na sumisipsip ng mga dugo at lakas ng tao…..mistula na tayong mga BAMPIRA ng ating sariling lahi…..ibinibilanggo natin ang ating sarili sa isang kahon na ayaw nating umalagwa at kumilos…..isinara na natin ang PRINSIPYO at PAGTITIWALA na ating pinakakaingatan….hinayaan na nating mabahiran ng DUNGIS ang ating pagkatao at MAWASAK ang matagal ng samahan na ibinuo na pinuhunan ng masayang alaala…..

Ooops..ito po ay obserbasyon lamang… “Batu-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit….ang mapikon ay siya ang laging TALO!”…..KILOS ka din kabayan……..

No comments:

Post a Comment