Masarap ang maging mabuti at nakakatulong sa mga taong kumakatok sa iyong puso…nakagagaan ng kalooban sapagkat kahit sa simpleng paraan ay nakapagpatawid ka ng buhay at nakapagpaginhawa ka ng mga taong naghihikahos o kung hindi man ay nagpagaan ng kanilang mabigat na kalooban at alalahanin….
Ngunit, minsan…naisip ko na mahirap din pala ang palagi kang mabuti sa iyong kapwa…mahirap ang lagi mong binubuksan ang tainga mo sa pagdinig sa kanilang mga daing at maging ang pagbukas ng iyong puso upang maintindihan mo ang kanilang sitwasyon at nararamdaman..kasi minsan IKAW pala ang BIKTIMA ng lahat nang hindi mo namamalayan…
Nakakalungkot lang isipin na matapos kang maging parte ng kaginhawaan nila, sa kanilang matinding pangangailangan… at mapakinabangan ka nila sa panahon na may mabigat silang alalahanin ay tila nasaan na sila??? Naibaon ka na nang matindi sa limot…tsk..tsk..tsk…. Na sa panahon na ikaw ang may kailangan ay sinarado na nila ang kanilang tainga at ang puso sa pagdamay….o kung minsan naman ay parang ikaw pa ang may obligasyon at dapat na magmakaawa sa sarili mong pera na noong una ay halos magkandarapa siya sa paghingi ng tulong na pinansyal…
Nakailang beses nang namayagpag sa kalangitan si Haring araw at si Reynang buwan..nakailang unos na ang humagupit sa bansa, umulan, bumagyo, umaraw at halos ang pagputok ng bulkang Mayon ay tila umaayon na sa nagngangalit na kalooban….Nasaan ka na kaibigan??? Tila alang nangyayari sa mga bagay na ikaw mismo ang gumawa ng kasunduan…sa mga pangakong paulit-ulit mong binibitiwan... Ang katumbas ba ng pangako mo ay katulad ng pag-ibig na minsan ay ibinabaon na lamang sa limot???…tsk tsk tsk..kawawa naman ang buhay ng tao na umasa sa pangako na binitiwan kung lahat ay katulad mo…
Mistula na tayong mga nilikha ng Diyos na bagama’t may buhay ay tila walang pakiramdam sa kanilang nasasakupan…mistula na tayong lason na kumakalat at pumapatay ng mga taong ating pinaasa…
Kayang WASAKIN ang PAGTITIWALA!…Nakakapanghinayang lang na sa haba ng panahon ng pagpupundar bilang mabubuting kaibigan ay mawawasak lang pala sa simpleng materyal at dito lang pala masusukat ang iyong kabuuan… Kaya mong dungisan ang iyong pagkatao nang dahil lamang sa hindi maunawaang dahilan at kayang bulagin ang sarili sa tagumpay na iyong tinatamasa….Kaya lang kaibigan, baka sa muli mong paglagpak at paghalik sa lupa ay wala ng taong handang makinig at tumulong sa iyo?….
Tama nga ang sinabi ng isa kong kaibigan na “ hindi lahat ng nakangiti ay kaibigan”…mga HALIMAW pala sila na sumisipsip ng dugo at lakas…mga mapagsamantala sa lahat ng bagay na hindi man puno ng kabutihan ay nagpahalaga sa samahan na nasimulan…
Ingat ka din kaibigan…
Ooops..ito po ay obserbasyon lamang…at bunga ng malikot na imahinasyon… “ Batu-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit…ang mapikon ay siya ang laging TALO!”
No comments:
Post a Comment