About Me

My photo
ABU DHABI, United Arab Emirates
Sa kabila ng mga ngiting inyong nasisilayan ay nagkukubli ang isang damdamin na naghahanap palagi ng mga tamang kasagutan. Tinutuklas ito ng mga matang mapagmasid, maging ng tengang nakikinig… at tinitimbang ng pusong nakadarama at maging ng isipang kumikilala. May mga saloobin na hindi kayang isigaw ng damdamin sa paraang hayagan. Tanging ang makinilya, ang pluma o papel ang tanging KAKAMPI, ang tanging makakapagpagaan ng umiiyak na kalooban…Tanging ito lamang ang magpapawi ng agam-agam o kalungkutan…Ang magpapasaya ng lahat.. Ang tutuklas at kikilala ng mga baluktot at magandang pangyayari sa buhay…

Tuesday, September 23, 2014

Please Continue Leading the Right Track Jonnell




I know Jonnell that you are tired of playing the games and pretending you’re okay though it’s not.

We've seen your strong commitment from the start and we recognized all your efforts in handling the multi-task even it’s under pressure. We've seen you crying alone when you feel bad and have disappointment. You've shown patience with simplicity and on how you control your emotions. You've shown strong dedication and ability in your work. We didn't hear you complaining and even arguing with your superior. You always put respect even exceeds or beyond your limitations. I believe, you've always place respect beyond them. You value people and your work. You always stand in good values inculcate by your parents.You always hide the pain and stand alone. And in order to weigh in, you always find ways to comfort yourself even at your own health risk - to escape in the reality of life even for the meantime.

You are a hardworking man. And I know how you value your work. Proven when you handle the Libya crisis; the humanitarian mission which you handle everything smoothly. The limited number of hours to sleep in order to re-charge even small energy is quite hard. As well as the body stress and mind the whole 24 hours is extremely difficult. Nevertheless, the humanitarian mission is a huge success and we can’t deny your full and best support in saving the lives of different nation in a strife-torn Libya.

I salute you on how you build a good relationship to your colleague towards your work. You have made them special even small things. You always spare time to them even at your busiest day. Even you are run down, you put an extra time not to miss the invitation and they may not experience disappointment.

You are sensitive and you cannot easily hide your emotions. Even I know, you've always pretend that you are okay but your action speaks louder than your words. You cannot suppress yourself completely in hiding a frustrations behind your smile.

Let’s face it; some people may not appreciate you. But I always respect that because I know the pressure in handling the biggest responsibility in your department. And it's a serious matter and you are accountable in your decision and action. I guess, they overshadow your good intention, work-ability and dedication. It’s easy to say things against you and leave it all behind for which they had not experienced it. Accept the fact that they will say something against you at your back and you cannot please them to know you more better. 


We cannot understand that despite of the failure, hatred and displeasure you’ve been experiencing, you've always pushing yourself to work hard. Notwithstanding the bias treatment in the workplace you've always experience. I guess, we have to blame Arnel because he tells you the thing which you don’t know. Realizing and being aware to the extent you develop anger and hatred because of the unequal treatment. But perhaps, you have to thank him also for I know he has a good intention; to see things which you don’t know and to understand the things which is uncertain- balancing yourself in a dark area of a poor judgement.

As a result, you are now aware how they overshadow all your efforts and your hard work. And instead, have recognized and gave incentives to others for an invalid reason which is not fair  and unjust.

Further to that, now you've realized the reason why some of your employees are gradually withdrawn their intention of their contract renewal.

 And I cannot blame you if you gradually lose enthusiasm and soon disengaged too and leave the four corners of this institution.

No one will understand these conflicts except a person who gave you a wrong vision in leading the track.

On the other hand, we are still hoping to resolve this issue and realize to have an equal judgment not only for you but for the next person who will work after you.
But then, continue what you had started and aim most high.


Your twin,

Jonnell the second



Thursday, September 11, 2014

MY TOP TEN WRITING HABITS


Ang tipikal na ugali ko bago o habang lumilikha ng Obra Maestra.

1.    AYOKONG MAY KINAKAIN HABANG NAGSUSULAT- hindi talaga ako palakain kapag nagsusulat kasi napapansin ko kapag may nginunguya ako habang nagsusulat ay hinahatak ako ng kabusugan at nagiging resulta ng aking pagkaantok at tuluyang pagkatulog. Sa kabuuan ay wala akong matatapos sa aking gagawin at nasimulan. Itutulog ko na lang nang tuluyan kung anuman ang nasimulan ko.

2.    TUBIG- mahilig akong uminom ng tubig at laging may tubig sa harapan ko. Uhawin ako. Hindi naman ako dehydrated..lolz. Hindi ako madalas umiinom ng kape kasi pakiramdam ko e lagi akong kinakapos ng paghinga. Hindi rin ako palainom ng kahit anong soda kapag nagsusulat kasi nabubusog ako at inaantok ako. Basta tubig lang ay buhay na ako at para itong gasolina ko…heheheh.

3.    MAHILIG MAG-ISA – kapag nagsusulat ako ay ayokong may maingay at lakad nang lakad sa paligid ko. Madali akong “madestruct” sa ginagawa ko. Lahat ng mga binubuo ko sa aking isipan ay biglang naglalaho. Kaya madalas ay nais kong nasa isang “cubicle” lang ako na walang gumagambala.

4.    MUSIKA- mas ginaganahan akong magsulat kapag may naririnig akong musika habang nagsusulat lalo pa’t ang musika ito ay may pinaghuhugutan ng damdamin. Kung mapapansin nang ilan ay lagi akong may “headset” kahit saan lugar. Nang dahil sa musika ay nakakabuo ako ng panulat.

5.    SUMPUNGIN- may “mood swing” ako sa pagsusulat. Hindi ako madalas magsulat. Pero kapag sinumpong ako ng pagsusulat ay hindi lang isa o dalawa ang natatapos ko. DI ko alam kung bakit?..lolz

6.    WALANG NOTEBOOK AT BALLPEN- maganda ang handwriting ko. Iyon ang sabi ng mga kaklase ko nung HS ako hanggang sa ngayon na nagtatrabaho na ako. Katunayan, lagi akong secretary sa Practical Arts namin noong nasa HS ako ehehehhe. Hindi ko alam kung bakit nang nauso ang computer ay tinamad na akong gumamit ng notebook at ballpen kapag nagsusulat. Wala na akong mock-up o lay-out sa aking mga sinusulat. Kapag sinumpong ako ng “baltik” sa pagsusulat ay diretso upo sa computer at isusulat ko agad ang lahat ng mga bumuo sa aking isipan. At bawal ang istorbo!

7.    NAKAHIGA- sa gabi ay madalas gumagana ang utak ko sa pagsusulat. Lalo na kapag nakahiga na ako. Mas maraming naglalaro at bumubuo sa isipan ko na mga mahahalagang bagay o pangyayari na nais kong ibahagi. Kaya minsan, sa gitna ng aking paghuhugot-tulog ay bigla akong babangon at sisimulan ko ng tipain ang lahat ng mga bumuong idea sa aking isipan.

8.    MALINIS ANG LUGAR- hindi ako nakakapagsulat kapag may nakikita akong madumi sa paligid ko. Lalo na sa lamesa ko. Kahit ayoko itong tignan at isipin na wala akong nakikita, kaso ung mata ko e tinutukso akong tignan ito. Madaling mag-init ang ulo ko. Parang gusto kong ibalibag ang lahat ng gamit ng mga taong nagkakalat…hahahaha… Ayoko rin na may naaamoy ako na mabaho. Pakiramdam ko ay nawawasak ang nostrils ko.

9.    TAMAD- tamad akong gumawa ng nobela. Pero mas hilig kong magbahagi ng mga simpleng kuwento o pangyayari. Gusto ko iyong maikli lang pero nandun na ang gusto kong sabihin. Mas naguguluhan ako kapag mahaba na ang sinusulat ko. Mahilig akong magbasa ng mga nobela, katunayan ay mahilig akong magbasa nito sa net (I-books application). Pero ayoko naman gumawa ng nobela. Parang ang gulo ko? Basta magbabasa lang ako ng nobela.

10.  MAPAGMASID- kahit saang lugar ako ay lagi akong mapagmasid. Mas marami akong nabubuong kuwento at pangyayari sa mga nakikita ko. At laging inilalagay ko ang aking karakter kapag nagsusulat ako. Mas nararamdaman ko ito sa halip na nakikinig lang ako sa kuwento nang ilan.

Kaya kung mapapansin n’yo ay bihira lang ako bumulaga sa DF dahil sa “mood swing” ko. At aminado rin ako na marami akong mga maling pagkakabuo ng pangungusap dahil sa lagi akong nagsusulat na walang banghay. Instant sulat at upload agad. Hehehehe


Tuesday, August 26, 2014

Tara mag-Ice Bucket Challenge tayo!



Ang alam kong layunin ng Ice Bucket Challenge ay makalikom ng donasyon para makatulong sa mga taong nagsasagawa ng pag-aaral sa karamdamang Amyotrophic Lateral Scierosis (ALS). Gayundin ay upang ipalaganap ang kaalaman ng sakit na ito at maipadama ang suporta sa mga taong may ALS…Aba, nagulat ako at tila ginawa na yatang libangan ng mga tao ang Ice Bucket challenge na ito..Basang-basa ang newsfeed ko sa Facebook sa kakaligo ninyo.


Kung mapapansin n’yo ay halos lahat na yata ng tao ay nagkaroon ng partisipasyon sa challenge na ito, katulad ng mga kilala sa antas ng lipunan saan man panig ng mundo at maging ang mga ordinaryong tao. Pati ang mga bata ay nakibahagi na rin na tila alam nila ang dahilan ng pagtanggap nila sa hamon na ito. Ang daming nominasyon. At ang lahat ng mga taong nakakatanggap ng nominasyon ay tuwang-tuwa at naghahamon rin. Pero may naidonate ba kayo?

Aminin natin na ang ilan sa mga taong nakibahagi sa Ice Bucket Challenge na ito ay may tunay na partisipasyon at sadyang nakibahagi sa tinatawag na Challenge for a cause. Ngunit, tila ang iba naman ay di nauunawaan ang tinatawag na misyon ng ALS.

Mistula na itong ginawang katuwaan ng kahit sino. Hindi nila nauunawaan na ang pagbuhos ng Ice Bucket sa kanilang buong katawan ay upang maramdaman nila at maunawaan nila ang karamdaman ng mga taong may Amyotrophic Lateral Scierosis. Hindi ito biro o isang laro na dapat pagtawanan o gawing kasiya-siya.

Masakit panoorin ng isang kaanak sa pamilya na may Amyotrophic Lateral Scierosis na tila ginawa na itong katuwaan ng ilan. Hindi nauunawaan ng mga tao ang abang kalagayan ng isang taong may karamdaman nito. Mabigat sa kalooban ng pamilya ang makitang unti-unting naghihirap ang kalagayan ng isang taong mahal nila sa buhay na dinaranas ang sakit na ito. Pero sa iba ay tila hindi nila alintana. Subukang natin minsan magbasa at nang maunawaan natin. Masakit na pagmasdan kung ang kaanak natin ay may ALS. Na nakikita mong naninigas at namamaga ang kalamnan niya, na ikinahihina at nakakaapekto sa kanyang braso, hita at maging ang kamay. Nahihirapan silang magsalita o dili kaya’y nabubulol. Nakakaranas din sila nang paghirap sa paglunok o pagnguya ng kanyang kinakain. Maging ang pag-angat ng ulo ay hindi niya kaya. At hindi mo maaasahan na makakatayo o makakalakad bunga ng kahinaan nang kanyang kalamnan.At higit sa lahat ay nalilimitahan ang kanyang pamamalagi sa mundo sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay wala itong lunas o gamot na puwedeng magpahilom.

Ang layunin ng organisasyon ng ALS ay maimulat tayo sa karamdamang ito- ang maramdaman ang kalagayan ng mga taong may ALS. Maunawaan natin sila sa ganoong sitwasyon.At higit sa lahat ay makatulong tayo na mapuksa at mahanapan ng lunas ang sakit na ito na pinapatay ang buong pandama ng tao at kalauna’y pagkalagot ng buhay.

Hindi ko naman maikakaila na sa ibang banda ay maraming gustong makibahagi dito. Ang ilan nga ay nagpakita ng sinseridad sa kanilang pagsuporta. May mga nagdonate bago tinaggap ang hamon ng kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay. Pero ‘yung iba, ay basta lamang tinanggap ang hamon na hindi nauunawaan ang misyon na ito. Ano ito, attention whore?

Thursday, May 1, 2014

Sexual Liberation! (Usapang Feminismo)


Sexual Liberation! Ito ang kalakaran sa kasalukuyang panahon. Isang hamon ng pagbabago sa makalumang tradisyon na mahirap sang-ayunan ng bansang hindi mulat sa ganitong pagkakataon. Sapagkat higit natin na pinaniniwalaan ang sagradong pag-iingat sa kapurihan ng mga kababaihan kesa  sa sandaling init ng katawan na kaakibat nito ang isang pagsisisi.

Hindi natin maikakaila na ilan lamang ito sa mga karanasan ng ilan nating mga kababaihan, partikular ang mga nasa murang edad.


At bilang pagpapatunay na maraming kababaihan ang naging biktima ng maling pagkakataon sa buhay nila. Sapagkat namulat sila sa maling oryentasyong sekswal. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipukol sa kanila ang kamalian dahil sa “katangahan” nila. O sadyang dapat ko silang unawain sapagkat ang sinasabi kong katangahan na iyon ay taliwas sa dapat kong isipin. Sapagkat ang katangahan na iniisip ko ay katumbas ng kanilang buong pagtitiwala at pagmamahal na sinuklian ng mali ng mga taong mapagsamantala.

Nakakaawa ba sila?..Sa ibang bahagi ng buhay nila ay masasabi nating “Oo” sapagkat hindi sila naging maingat sa mga desisyon na kanilang ginagawa.

Ngunit, mas higit na nakakaawa ang  mga taong mapagsamantala sa kahinaan ng mga kababaihan. Sapagkat sila ang mga duwag sa pagharap sa kanilang responsibilidad. Sila iyong mga taong walang direksyon ang buhay. Sila ang mga taong walang pagmamahal at paggalang sa mga kababaihan.

Hindi ba sila natatakot sa mga bagay na kanilang ginagawa? Ang paglaruan ang kababaihan? Ang lapastanganin ang kanilang kahinaan bilang babae?

Hindi ba nila nasasalamin sa kanilang buhay ang kanilang ina? Kapatid na babae? O maging ang asawa nilang babae?

Ang pagwasak sa dangal ng isang babae ay katulad din ng pagwasak sa kanilang pinapangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Hindi pinaglalaruan ang sekswal na pangangailangan natin bilang tao. Sapagkat kaakibat ng ating pangagailangang sekswal ay  ang mabigat na responsibilidad na naghihintay. Hindi ito biro. Oo, madaling sabihin ito. Pero dapat na isinaalang-alang natin ang bawat balakin kung ito ba ay makakaapekto sa atin bilang tao o maging sa ating kapwa. Kung ito ba ay magdudulot nang hindi maganda o higit pa sa inaasahan na maaaring may buhay na mapatid. Sa sandaling kaligayahan na iyong hinahangad ay habambuhay itong lamat sa ibang tao lalo’t higit sa taong biktima ng panloloko. Mistula itong bangungot sa kanila. Isa itong dungis sa mata ng mga taong hindi marunong makaunawa. Sapagkat di natin maikakaila na may mga taong may taliwas na interpretasyon sa kanilang nakikita sa paligid. Bagamat hindi natin sila puedeng i”please” ‘ika ‘nga..pero minsan masakit ang kanilang bulung-bulungan kesa sa hampas na pisikal.

Di natin maikakaila na maraming kabataang babae ang halos biktima nang ganitong karanasan o ganitong oryentasyon. Ito nga siguro ay bunga ng kanilang kapusukan. O sadya lamang naimpluwensyahan sila ng maling kalakaran ng ating lipunan.

Kaya nga dapat ay maunawaan ng ilan na may malaking gampanin ang pagpasok sa tinatawag na ugnayang sekswal sa murang edad,  babae ka man o lalaki. Hindi dapat maging padalus-dalos sa desisyon o ayunan ang libog sa katawan. Ang kapurihan ay dapat na iniingatan lalo’t higit ay may mga taong mapagsamantala at may mga taong mapanghusga. Idagdag mo pa ang ating paligid na hindi marunong makaunawa.

At kahit na namumuhay tayo sa modernong panahon na may malawakang pag-unlad sa teknolohiya ay hindi nangangahulugan na madaling tanggapin ng lipunan ang maling oryentasyong sekswal sa murang edad, anuman ang kasarian. Dapat nilang maunawaan at maintindihan ang naghihintay na pasanin sa kanilang gagawin- ang magkaroon ng mabigat na responsibilidad bilang tao.



Wednesday, April 16, 2014

When "Katamaran" Strikes again


Ano nga ba ang dapat gawin kapag tinatamad kang magtrabaho? Ito ay iilan lamang sa mga diskarte.

1. Unang-una ay iwasan mo ang umabsent sa trabaho
2. Pumasok nang maaga at iwasan na ang amo mo ang maunang darating kesa sa iyo.
3. Pagdating sa loob ng opisina ay tunguhin mo ang iyong lamesa at ayusin ang mga gamit na nakahambalang na iyong iniwan simula pa kahapon.
4. Pagkatapos mong ayusin ay mag-isip nang maaaring gawin o kalikutin para masabi na abala ka sa pagpasok pa lang ng opisina.
5. Buksan ang filing cabinet at kunwari ay may hinahanap ka. Ilabas mo ang lahat ng laman ng filing cabinet at ibalik mo uli isa-isa at dahan-dahan para maubos ang oras.
6. Maaari rin na kunwari ay may hinahanap kang dokumento pero ang totoo ay binibilang mo lang ang pahina ng bawat dokumento.(dagdag ubos-oras din ‘yun)
7. Kung kaunting oras lang ang nagugol mo doon ay tunguhin ang iyong incoming at outgoing tray. Isa-isahin na ayusin ang mga documento ayon sa pagkakasunud-sunod na petsa o depende sa kung anong trip mo.
8. Kapag dumating ang amo mo, hawakan mo kaagad ang telepono at kunwari ay may kausap ka sa kabilang linya. Ipaparinig mo sa amo mo na kunwari ay may tinatanong ang nasa kabilang linya tungkol sa dokumento.
9. Ipaparinig mo sa amo ang ganitong linya “Alright Mr. Cruz, I will bring the documents to your office now”.
10. Maghanap ka ng dokumento na kunwari ay dadalhin mo sa kabilang opisina.
11. Magpaalam nang maayos sa amo bago umalis. Huwag masyadong excited sa katamarang ginagawa.
12. Lumabas nang maayos. Huwag ipahalata ang sobrang excitement sa katamaran.
13. Sa kabilang opisina, kailangan ay huwag mong ipapahalata na may ginagawa kang kalokohan este katamaran. Kunwari ay may itatanong ka na dokumento hanggang sa palawakin mo ang iyong pag-uusisa- maski buhay ng kapitbahay nila para sulit ang oras ng iyong pagpepetiks.
14. Huwag masyadong ubusin ang oras sa kabilang opisina, bumalik ka kaagad dahil baka makahalata ang amo mo sa iyong ginagawa.
bored-yawning-businessman-9230315. Pagdating mo sa inyong opisina ay buksan muli ang iyong computer. Pindutin mo ang keyboard ng iyong computer. Kunwari ay abalang-abala ka sa trabaho. Pero nag-uupdate ka lang pala ng status mo sa facebook.
16. Maging alisto ka. Kailangan pag tumayo si amo mo ay mailipat mo agad ang screen ng iyong computer sa excel documents para kunwari ay nagtatrabaho ka.
17. O kaya naman ay buksan mo ang iyong company e-mail. Kunwari ay nagbabasa ka ng mga e-mails. Kahit spam o junk e-mails ay basahin mo na rin baka makatulong sa tamad mong utak.
18. Kapag may pinagawa sa iyo si amo mo na report, ay gawin agad ito. Pero bago iprint ay kailangan bilangin mo muna ang bawat letra na iyong sinulat. Makakatulong ito upang maubos ang oras mo. Pagkatapos ay ibigay na sa iyong amo.
19. Kapag may naghanap sa iyo, tunguhin ito. Kahit delivery man ito ay makipagtsikahan ka sa kanya. Kamustahin siya. Makibalita sa mga kasalukuyang kaganapan. Kung ilan ang dinideliver niya sa bawat araw. Gaano kabigat at kagaan ang bawat dindiliver niya. Maski ang safety shoes niya ba ay mabigat dalhin. Huwag mong paabutin nang matagal ang usapan n’yo baka magtaka na ang amo mo.
20. Bumalik uli sa opisina, gawin uli ung bilang 15. Tandaan, maging alisto palagi at kailangan nakaready kaagad ang kamay sa pagpindot ng window key + D para maitago mo ung facebook account mo.
 21. Tumayo ka at pumunta sa CR. Magsuklay at magretoke ng mukha kung ikaw ay babae. Tignan ang kilay kung pantay pa ang pagkakaguhit mo.
22. Kung lalaki ka naman, tignan kung di pa ba nalulukot ang suot mo. Tignan mo na rin kung may tinga ka o kaya ay buhok sa ilong mo na kumakaway. Tanggalin mo. Nakakahiya.
23. O kung hindi man ay pumasok ka sa cubicle ng CR at umidlip. Sisiguraduhin mo lang na hindi ka hihilik sa loob dahil baka mabuking ka na natutulog sa loob. Limang minuto ay sapat na.
24. Pagkatapos ay bumalik sa opisina, kuhain ang mga dokumentong tapos na at ilagay sa ibabaw ng iyong mesa. Kunwari ay marami kang trabaho sa mga oras na iyon habang may kausap ka sa facebook. Pero huwag kang tatawa baka mahalata ka ng amo mo. Kung maaari ay pigilan mo.
25. Minsan, kailangan mo pumunta ng kabilang departamento. Kunwari ay may kailangan ka na dokumento pero ang totoo ay makikipagtsikahan ka lamang.
images26. Huwag kang masyadong mainip sa oras. Sapagkat kung susundin mo ang lahat ng mga nabanggit sa itaas ay hindi mo namamalayan na malapit na pala ang inyong uwian.
27. Huwag mo uubusin ang lahat ng trabaho sa araw na ito. Kailangan ay lagi kang magtira kinabukasan. Magfeeling-abala ka lamang. Itambak mo lang sa lamesa mo ang mga suspension folder at iba pang dokumento para  masabing abalang-abala ka. Pero ang totoo ay props lang iyan.
28. Hindi mo namamalayan sa iyong pagpapanggap ay mag-uuwian na pala.
29. Bago ka umuwi ay ayusin ang iyong lamesa na tila napakarami mong trabaho.
 30. Pagkatapos ay tunguhin ang CR muli at pagmasdang mabuti ang iyong sarili kung gaano na kakapal ang iyong pagmumukha.

Monday, April 14, 2014

Pacman’s Victory over Bradley and the Internet memes

Matapos ang matagumpany na laban ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley. Labis ang kasiyahan ng mga taong nanood at naging saksi sa bawat ulos ng kanyang kamao simula sa una at hanggang sa huling round ng kanyang laban. Ngunit, ang kasiyahan at kaligayahang ito ay hindi nagtatapos sa kung anuman ang ating napanood. Sapagkat, sadyang may nakahain ang mga pinoy na mga kakatuwang larawan na muling magpapatawa o magpapangiti muli sa atin na kumalat sa social media- lalo na sa Facebook. Ito ay iilan lamang:

1. Ang Pay-Per-View na tinatawag sa tuwing may laban si Pacman






2. Ang bakbakang umaatikabo sa loob ng ringside








3. Ang reaksyon ni Mommy Dionisia na naging internet sensation






4. Sa loob ng ringside matapos ang matagumpay na laban ni Pacman






5. Ang #realtalk number 1 ng bayan








6. Ang #realtalk number 2 ng bayan







7. Ang Pagtutuos (?)









8. Ang #realtalk number 3 ng bayan










9. Ang Finale ng Pinoy….





Salamat sa malikhaing pag-iisip ng mga pinoy na kahit sa mga simpleng larawan na ito ay napangiti at napatawa n’yo na naman kami sa kabila ng mga patung-patong na alalahanin sa buhay. Bumaha ang newsfeed namin sa Facebook at iba pang social media sa mga halakhak na tugon dahil sa talas ng inyong imahinasyon at pagiging malikhain (malikot na pag-iisip, ‘ika nga).
Para kay Manny Pacquiao, salamat sa muling pagbangon at muli mong binuhay ang ringside para sa ating bansa. Mabuhay ka!