Ang tipikal na ugali ko bago o
habang lumilikha ng Obra Maestra.
1. AYOKONG MAY KINAKAIN HABANG NAGSUSULAT- hindi talaga ako palakain kapag
nagsusulat kasi napapansin ko kapag may nginunguya ako habang nagsusulat ay
hinahatak ako ng kabusugan at nagiging resulta ng aking pagkaantok at tuluyang
pagkatulog. Sa kabuuan ay wala akong matatapos sa aking gagawin at nasimulan.
Itutulog ko na lang nang tuluyan kung anuman ang nasimulan ko.
2. TUBIG-
mahilig akong uminom ng tubig at laging may tubig sa harapan ko. Uhawin ako. Hindi
naman ako dehydrated..lolz. Hindi ako madalas umiinom ng kape kasi pakiramdam
ko e lagi akong kinakapos ng paghinga. Hindi rin ako palainom ng kahit anong
soda kapag nagsusulat kasi nabubusog ako at inaantok ako. Basta tubig lang ay
buhay na ako at para itong gasolina ko…heheheh.
3. MAHILIG MAG-ISA – kapag nagsusulat ako ay ayokong may maingay at lakad nang
lakad sa paligid ko. Madali akong “madestruct” sa ginagawa ko. Lahat ng mga
binubuo ko sa aking isipan ay biglang naglalaho. Kaya madalas ay nais kong nasa
isang “cubicle” lang ako na walang gumagambala.
4. MUSIKA- mas ginaganahan akong magsulat kapag may naririnig akong musika habang
nagsusulat lalo pa’t ang musika ito ay may pinaghuhugutan ng damdamin. Kung
mapapansin nang ilan ay lagi akong may “headset” kahit saan lugar. Nang dahil
sa musika ay nakakabuo ako ng panulat.
5. SUMPUNGIN- may “mood swing” ako sa pagsusulat. Hindi ako madalas magsulat. Pero
kapag sinumpong ako ng pagsusulat ay hindi lang isa o dalawa ang natatapos ko. DI
ko alam kung bakit?..lolz
6. WALANG NOTEBOOK AT BALLPEN- maganda ang handwriting ko. Iyon ang sabi ng mga
kaklase ko nung HS ako hanggang sa ngayon na nagtatrabaho na ako. Katunayan,
lagi akong secretary sa Practical Arts namin noong nasa HS ako ehehehhe. Hindi
ko alam kung bakit nang nauso ang computer ay tinamad na akong gumamit ng
notebook at ballpen kapag nagsusulat. Wala na akong mock-up o lay-out sa aking
mga sinusulat. Kapag sinumpong ako ng “baltik” sa pagsusulat ay diretso upo sa
computer at isusulat ko agad ang lahat ng mga bumuo sa aking isipan. At bawal
ang istorbo!
7. NAKAHIGA- sa gabi ay madalas gumagana ang utak ko sa pagsusulat. Lalo na kapag
nakahiga na ako. Mas maraming naglalaro at bumubuo sa isipan ko na mga
mahahalagang bagay o pangyayari na nais kong ibahagi. Kaya minsan, sa gitna ng
aking paghuhugot-tulog ay bigla akong babangon at sisimulan ko ng tipain ang
lahat ng mga bumuong idea sa aking isipan.
8. MALINIS ANG LUGAR- hindi ako nakakapagsulat kapag may nakikita akong madumi sa
paligid ko. Lalo na sa lamesa ko. Kahit ayoko itong tignan at isipin na wala
akong nakikita, kaso ung mata ko e tinutukso akong tignan ito. Madaling
mag-init ang ulo ko. Parang gusto kong ibalibag ang lahat ng gamit ng mga taong
nagkakalat…hahahaha… Ayoko rin na may naaamoy ako na mabaho. Pakiramdam ko ay
nawawasak ang nostrils ko.
9. TAMAD-
tamad akong gumawa ng nobela. Pero mas hilig kong magbahagi ng mga simpleng
kuwento o pangyayari. Gusto ko iyong maikli lang pero nandun na ang gusto kong
sabihin. Mas naguguluhan ako kapag mahaba na ang sinusulat ko. Mahilig akong magbasa
ng mga nobela, katunayan ay mahilig akong magbasa nito sa net (I-books
application). Pero ayoko naman gumawa ng nobela. Parang ang gulo ko? Basta
magbabasa lang ako ng nobela.
10. MAPAGMASID- kahit saang lugar ako ay lagi akong mapagmasid. Mas marami akong
nabubuong kuwento at pangyayari sa mga nakikita ko. At laging inilalagay ko ang
aking karakter kapag nagsusulat ako. Mas nararamdaman ko ito sa halip na
nakikinig lang ako sa kuwento nang ilan.
Kaya kung mapapansin n’yo ay bihira
lang ako bumulaga sa DF dahil sa “mood swing” ko. At aminado rin ako na marami
akong mga maling pagkakabuo ng pangungusap dahil sa lagi akong nagsusulat na
walang banghay. Instant sulat at upload agad. Hehehehe
No comments:
Post a Comment