About Me

My photo
ABU DHABI, United Arab Emirates
Sa kabila ng mga ngiting inyong nasisilayan ay nagkukubli ang isang damdamin na naghahanap palagi ng mga tamang kasagutan. Tinutuklas ito ng mga matang mapagmasid, maging ng tengang nakikinig… at tinitimbang ng pusong nakadarama at maging ng isipang kumikilala. May mga saloobin na hindi kayang isigaw ng damdamin sa paraang hayagan. Tanging ang makinilya, ang pluma o papel ang tanging KAKAMPI, ang tanging makakapagpagaan ng umiiyak na kalooban…Tanging ito lamang ang magpapawi ng agam-agam o kalungkutan…Ang magpapasaya ng lahat.. Ang tutuklas at kikilala ng mga baluktot at magandang pangyayari sa buhay…

Wednesday, June 17, 2015

Comprehensive guidelines on Ramadan etiquette

DOS

Dress appropriately
Men and women are expected to dress in an appropriate manner, not showing too much skin and making sure hemlines and necklines are modest. So watch before you step out.
Exchange Ramadan Greetings
AdTech Ad
While meeting Muslims, it is customary to use the greeting "Ramadan Kareem" and at the end of Ramadan, during the Eid celebrations "Eid Mubarak".
Respect those on fast
Fasting can result in a change of temperament in some people; therefore be considerate towards the people around you.
Accept invitations
If invited to an iftar with friends or colleagues, do go along and always be on time if not a few minutes early. Remember not to go empty-handed; desserts are always a good option to offer the host.

DON'TS

Refrain from eating or drinking in public places
From dawn to dusk, no one is allowed to eat, drink or smoke in public places as a sign of respect to those fasting, therefore those who wish to eat or drink are advised to do so in private places.
Do not play loud music
Ramadan is a time for prayer and spiritual reflection, therefore playing loud music at home or in the car should be avoided. At the time of Azaan (call to prayer), the sound of music or TV channels should be put on mute.
Avoid driving during dusk
During sundown people head home to end their fast, therefore if it isn't required to be on the road, refrain from doing so and wait for half an hour.
Do not swear, shout or get angry in public
Ramadan is a time of patience and controlling emotions; swearing or any form of outrage is disrespectful to people as well as to the piousness of the month.
Do not engage in public displays of affection
It is against the customs of the country to engage in displays of affection in public, and even more so during the month of Ramadan.
Do not offer food or drink
Do not offer a Muslim food or drink during fasting hours, believing it to be an act of hospitality. They will understand and appreciate this gesture and not find it offending.

HOW NON-MUSLIMS CAN ENJOY THE SPIRIT OF RAMADAN

Ramadan is a month of spirituality, reflection, sharing and helping those in need. In fact, there are several ways in which even non-Muslims in the country can participate and imbibe the spirit of the month. Here are some tips on how you can join in:
Help the needy and give charity
Ramadan is a month of giving charity to the needy. This is the perfect occasion to hold a community charity drive to collect clothes, toys or books, etc. The collected items can then be handed over to one of many charities in the country.
Hold an Iftar
Hold an iftar for your Muslim friends and enjoy every step of the process of preparing this end-of-fast meal. Also invite those who are away from family and who have not eaten a home-cooked meal for a long time. Do ensure that all food is halal.
Fast for a day
Try fasting for a day. See how well you can control your needs and desires. It will also give you an understanding of what your Muslim friends and colleagues go through during Ramadan.
Promotions and activities galore
Shopping malls (extended hours) and restaurants in the city are offering a wide range of discounts. We say go out and soak up the spirit.
Time for some introspection
Ramadan is the perfect time to engage in introspection and to take a close look at our feelings, thoughts and action, and resolve to make improvements. How about giving up smoking?


Friday, June 12, 2015

Kamusta ka na Kaibigan?

Ilang taon na ang nakakalipas ng maging saksi ako sa iyong unang pagtibok ng puso. Natuwa ako noon sa mga nakita kong kaligayahang dulot ng iyong wagas na pagmamahal. Naramdaman ko ung sinseridad ng iyong mabuting intensyon sa kanya.

Nakakatuwang pagmasdan ang inyong pagmamahalan.

Mas higit n’yo pa itong binigyan ng kulay ng humarap kayo sa altar ng simbahan at nagsumpaan ng wagas ng inyong pag-iibigan. Hindi lamang ang pamilya, kamag-anak at kaming mga kaibigan mo ang saksi sa tamis ng inyong sumpaan. Maging ang Diyos ay labis ang kaligayahan para sa inyo. Sapagkat ipinagkatiwala n’yo ang inyong sarili sa isa’t isa.

Nagdaan ang maraming taon at nakita ko ang kasiyahang dulot ng pagbubuo ninyo ng inyong sariling pamilya.

May mga hindi pagkakaintindihan at tampuhan na nangyayari na alam kong ito ay karaniwan lamang sa buhay-mag-asawa.

Nakita ko ang pagsasakripisyo mo at nang iyong asawa. Nakita ko kung paano n’yo isalba ang buhay n’yo sa hirap ng buhay. Hindi kayo sumusuko. Lumalaban kayo sa mga pagsubok na dumarating. Nakita ko ang unang pagluha mo sa problema. Pero lumaban ka. Nagpakatatag ka.

Sa katunayan, sinikap mong magpakalayo at pumalaot sa ibang bansa dahil nais mong isalba ang iyong pamilya sa hirap ng buhay.

Nakipagsapalaran ka sa malayo. Nakita ko ang matinding pangungulila mo na malayo sa pamilya. Nakita ko kung paano pinagsikapan ng iyong asawa na maitaguyod ang inyong pamilya kahit wala ka sa tabi nila. Nagawa n’yong maiayos ang lahat.

Ngunit, bakit biglang umiba ang ihip ng hangin?

Bakit iba na ang nakikita kong dumudugtong sa iyong buhay?

Hindi ako makaapuhap ng maganda at mabuting kasagutan sa nangyayari sa inyo sa kasalukyan. Na matapos ang mahabang panahon ng inyong pagsasama bilang mag-asawa ay unti-unti lang pala itong mawawasak ng isang maling desisyon sa buhay.

Hindi ko mawari kung ang pangingibang bansa mo ang nagtulak sa iyo nito. Hindi ko maintindihan kung ang ito ba ay dahilan ng iyong pangungulila  sa  pamilya. Hindi ko alam kung binulag ka ng malaking halagang kinikita mo sa ibang bansa. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isipan mo sa mga oras na ito na habang ang iyong sariling pamilya ay walang patid ang pagluha ng pakikipaglaban sa iyo.

Nakakasilaw pala ang salapi kesa sa pagmamahal. Kaya nitong baguhin ang pintig ng iyong puso. Kaya nitong imaniubra ang iyong pagmamahal sa iba. Nakakatakot!

Kinausap mo ba ang iyong sarili?

Naisip mo ba ang damdamin ng iyong pamilya at higit sa lahat ng iyong mga anak. Ang epektong dulot nito sa kanila. Iginalang mo ba ang kanilang damdamin? O sadyang inisip mo na lang ang pansariling kaligayahan? Madamot ka na kaibigan! Ibang-iba ka na ngayon.

Nakailang pagluha na ang iyong asawa upang maipaglaban ka at maisaayos ang lahat. Ngunit tila sinara mo ang iyong taenga sa iyong mga naririnig. Tinakpan mo iyong mga mata sa abang kalagayan ng iyong pamilya. Tila nagbubulag-bulagan ka sa nakikita mong matang nagungusap mula sa iyong pamilya.

Nasaan na ang pangako mo noon sa harap ng Diyos?

Hanggang doon ka na lang ba?

Mas ikinapanatag na ba ng iyong kalooban ang iyong mga desisyon laban sa iyong sariling pamilya?

Sana tama ka sa iyong paghakbang. At sana ay mali ako sa aking mga nasasabi at naririnig.

Nakakapanghinayang lamang kasi ang magandang nasimulan na maglalaho ng ganoon na lamang…




Wednesday, June 10, 2015

Salamat sa COMFORT

Ito ang lugar na mas kilala bilang “Quiet” o “Time-out room”. Maliban sa ito ang lugar kung saan tayo nagbabawas o dumudumi ay higit na may malaking puwang ito sa ating sarili.

Hindi mo maikakaila na ang silid na ito minsan ay naging saksi ng iyong mga pagluha. Maaaring hindi lamang iisang beses naging saksi ang kuartong ito sa iyo. Sapagkat alam kong minsa’y nailuha mo sa kuartong ito ang iyong pangungulila sa iyong mahal sa buhay. Nailuha mo rito ang poot o sama ng loob na hindi mo maibulalas sa isang tao. Ipinaubaya mo sa kuartong ito ang pagluha ng makailang beses. Iniibsan nito ang iyong bigat ng kalooban hanggang sa mapawi ang damdamin na nagpapabigat sa iyo. Pinapakalma ka nito hanggang sa maikubli mo ang iyong hinampo na nararamdaman. Babalik ka sa normal na takbo ng iyong buhay. Haharap ka uli ng panibago.

Ang kuartong ito ang laging saksi ng iyong matamis at totoong mga ngiti, mapaumaga man hanggang sa bago ka matulog. Makailang beses kang ngumingiti at paulit-ulit kang ngumingiti na malaya. Ipinaubaya mo sa kuartong ito ang iyong kagandahan at kawagasan ng iyong matamis na ngiti. Walang halong pagkukunwari. Kay sarap pagmasdan.

Nakakatuwa pa nga minsan isipin na ang kuartong ito ang iyong sandigan ng pakikipagdayalogo. Naging saksi ito kung paano mo inihahanda ang iyong ekspresyon, ang pagkibot ng iyong mga labi, pagtaas ng kilay, panlalaki ng mga mata at butas ng ilong at maging ang pagbaling ng iyong ulo… Hindi nga ba’t nakakatuwa na ang kuartong ito ay minsa’y naging saksi ng iyong nakakatuwang kalokohan?

May mga panahon pa nga minsan na gusto mong makita ang iyong di kaaya-ayang itsura sa harap ng salamin lalo na sa oras ng iyong paggising. Ngunit mas higit na nasilayan ng apat na sulok ng kuartong ito ang iyong kakisigan at kaseksihan sa iyong pananamit habang paikot-ikot ka sa harap ng salamin. Sapagkat mas pinaglaanan mo ng oras ang iyong sarili sa pag-aayos upang mangibabaw ang iyong tunay na kagandahan o kagwapuhan.

Sa kuartong ito ay mayroon kang kalayaan na hindi mo kayang gawin sa harap ng maraming tao. Dito mo lang nagagawang umawit na mag-isa na walang kokontra sa iyong boses kahit ito pa man ay sintunado o ang boses mo ay naghuhurementado. Sapagkat mas naaaliw ka sa alingawngaw ng iyong boses sa apat na sulok nito. Kaiga-igaya ‘ika nga. Ikaw na ang mang-aawit, ikaw na rin ang hurado ng iyong sariling boses. Saksi lamang ang kuartong ito sa iyong tinig.

Ang kuartong ito na tinatawag natin na maduming lugar ay minsa’y naging saksi ng iyong panandaliang tulog sa oras ng trabaho. Ito ang tanging kumakanlong sa iyo sa oras na hindi na kinakaya ng iyong talukap ang bigat ng mga mata. Sino nga ba mag-aakala na pansumandali kang kumukuha ng lakas at panandaliang tulog sa loob ng kuartong ito? Sa katahimikan nito ay madali kang maipaghehele kahit pansumandali lamang upang maibalik ang enerhiya ng iyong katawan at pag-iisip. Hindi nga ba’t malaking tulong ang lugar na ito na may katahimikan? Ibinabalik nito ang iyong lakas ng katawan at talas ng pag-iisip.

Kaya nga isang kanlungan ang lugar na ito para sa atin. Saksi sa maraming bagay. Pakaingatan at gawing malinis sapagkat madalas ay kinakanlong tayo nito sa panahon na nais nating mapag-isa.

Kubeta…

Comfort Room

Restroom…


Salamat sa iyong COMFORT.



Sunday, June 7, 2015

Pinay OFW.... Ganito ka rin ba?

(Ang mga larawan ay ilustrasyon lamang)

Sa ilang taon ko na paghahanap-buhay sa Gitnang SIlangan at malawak na lupain ng mga Arabo, ay hindi ko maitatatwa na pinanghihinaan ako ng loob sa aking mga nakikita. Hindi dahil sa kultura o tradisyon mayroon ang bansang ito bagkus sa nakakarimarim na kasuotan ng ilan kong kababayan na mga Filipina.

Wala akong makitang magandang dahilan ng pagsusuot ng mga kasuotan na sobrang ikli sa bansang konserbatibo.

Ano ba ang kanilang pinaglalaban sa kasuotan na ito?

Hindi natin puedeng sabihin na mayroon tayong kalayaan na magsuot sa kung ano ang nais natin lalo pa’t wala tayo sa ating sariling bansang pinaglilingkuran. Maaaring “Oo” sa bansa natin ay may kalayaan tayong suotin ang inaakala natin na makakabuti sa atin. Ngunit, sa bansang konserbatibo ay kailangan natin na matutong isaayos ang ating sarili at ilagay ang ating personalidad na angkop sa bansang ating kinatutuntungan. Matuto tayong igalang ang tradisyon, kultura at kaugalian mayroon sila. Higit sa lahat, matuto tayong igalang ang ating sarili bilang tao.

Hindi natin maiaalis sa ilang mga kalalakihan ang mapasulyap sa hindi pangkaraniwang tanawin sa kanila- ang mga babaeng nakasuot na halos makita ang kaluluwa. Sapagkat mas sanay sila sa mga babae na nakabalot ng Abaya ang katawan. Mga babaeng ginagalang ang katawang pisikal.

Maaaring sa mga lalaking may lawak ng pag-iisip ay abot ng kanilang pang-unawa kung ano ang iyong klase ng pananamit, ngunit paano ang ilang kalalakihan na may makitid at baluktot na pag-iisip? Na ang nangingibabaw ay kamunduhan na pagnanasa. Kaya ba natin kontrolin ang mga ito? Kaya mo bang ipaliwanag sa kanila na ito ang damit kung saan ka kumportable gayong wala ka sa sarili mong bansa na malaya?

Ano nga ba ang nais na ipahatid ng kasuotan na ito sa lugar na pampubliko?


Manghikayat?...

Wala akong maapuhap na maganda at matinong kasagutan!

Lagi natin sinasabi na Stop Rape Culture! At ang mga kababaihan ay hindi Sex Object!

Ngunit, paano mo ipapaliwanag ito sa mga taong hindi mulat sa ganitong klaseng mentalidad? Sa mga taong hindi mulat sa ganitong klaseng kasuotan? Sa mga taong may makitid na pag-iisip at pang-unawa?

Na ang nangingibabaw sa kanila ay ang maling interpretasyon ng iyong maling pananamit! Malaswa!

Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang damit na iyong susuotin ay angkop sa lahat ng panahon. May tamang lugar para dito. At mayroon tamang okasyon.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan halos ipangalandakan mo ang kaluluwa ng iyong katawan. Maging partikular tayo sa lugar na ating kinatutuntungan. Iyong alam mong tanggap ng lipunan at ng kanilang kultura. Matuto tayong igalang ang lupang ating pinaglilingkuran. Matuto tayong igalang ang ating sarili sa lahat ng bagay upang makatanggap tayo ng respeto mula sa iba.

Ang respeto ay hindi binibili, ito ay kusang inaani na nagsisimula sa iyong sarili.

Hindi nasasalamin ang kagandahan ng tao sa ikli ng pananamit, mas higit na nakikita ang kagandahan ng tao kung paano niya igalang ang kanyang sarili bilang babae.

Kailangan ba na masadlak ka muna sa maling pangitain bago ka magising at matauhan?


 Isip-isip ka rin kabayan….