About Me

My photo
ABU DHABI, United Arab Emirates
Sa kabila ng mga ngiting inyong nasisilayan ay nagkukubli ang isang damdamin na naghahanap palagi ng mga tamang kasagutan. Tinutuklas ito ng mga matang mapagmasid, maging ng tengang nakikinig… at tinitimbang ng pusong nakadarama at maging ng isipang kumikilala. May mga saloobin na hindi kayang isigaw ng damdamin sa paraang hayagan. Tanging ang makinilya, ang pluma o papel ang tanging KAKAMPI, ang tanging makakapagpagaan ng umiiyak na kalooban…Tanging ito lamang ang magpapawi ng agam-agam o kalungkutan…Ang magpapasaya ng lahat.. Ang tutuklas at kikilala ng mga baluktot at magandang pangyayari sa buhay…

Monday, April 14, 2014

Pacman’s Victory over Bradley and the Internet memes

Matapos ang matagumpany na laban ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley. Labis ang kasiyahan ng mga taong nanood at naging saksi sa bawat ulos ng kanyang kamao simula sa una at hanggang sa huling round ng kanyang laban. Ngunit, ang kasiyahan at kaligayahang ito ay hindi nagtatapos sa kung anuman ang ating napanood. Sapagkat, sadyang may nakahain ang mga pinoy na mga kakatuwang larawan na muling magpapatawa o magpapangiti muli sa atin na kumalat sa social media- lalo na sa Facebook. Ito ay iilan lamang:

1. Ang Pay-Per-View na tinatawag sa tuwing may laban si Pacman






2. Ang bakbakang umaatikabo sa loob ng ringside








3. Ang reaksyon ni Mommy Dionisia na naging internet sensation






4. Sa loob ng ringside matapos ang matagumpay na laban ni Pacman






5. Ang #realtalk number 1 ng bayan








6. Ang #realtalk number 2 ng bayan







7. Ang Pagtutuos (?)









8. Ang #realtalk number 3 ng bayan










9. Ang Finale ng Pinoy….





Salamat sa malikhaing pag-iisip ng mga pinoy na kahit sa mga simpleng larawan na ito ay napangiti at napatawa n’yo na naman kami sa kabila ng mga patung-patong na alalahanin sa buhay. Bumaha ang newsfeed namin sa Facebook at iba pang social media sa mga halakhak na tugon dahil sa talas ng inyong imahinasyon at pagiging malikhain (malikot na pag-iisip, ‘ika nga).
Para kay Manny Pacquiao, salamat sa muling pagbangon at muli mong binuhay ang ringside para sa ating bansa. Mabuhay ka!






Saturday, April 12, 2014

Isang Pasasalamat sa Iyong Pagkilala


Di ko alam kung anong rason at bakit bigla kong naalala si Dr. Paquito Badayos..Nabigla ako, di ko alam kung pagkakataon o may ipinahihiwatig ang petsa ngayon..- Abril 12, 2014...

Sa isang iglap ay hinanap ko ang kanyang pangalan sa Facebook upang makamusta ko sana siya at gayundin ay maipaabot ang aking pasasalamat kung anuman ang narating ko ngayon lalo na sa aking mga panulat..Kaya lamang, ikinabigla ko ang aking paghahanap- sapagkat larawan niya na nagsasabi na pumanaw siya ng
Abril 12, 2010...

Sa mga hindi nakakakilala sa kanya, si Dr. Badayos ang isa sa pinakamahusay kong Professor sa Masteral noong nag-aaral pa ako sa
Philippine Normal University. Siya iyong tipikal na taong napakasimple..Kagiliw-giliw ang kanyang klase sapagkat nagagawa niyang pasayahin ang minsa'y nakakabagot na paksa. Siya ang namumukod-tanging tao na kumilala sa kahusayan ko sa pagsulat. Sa totoo lang, di ko alam na ang bawat gawain o proyektong pinagagawa niya sa amin noon ay magkakaroon ng pitak sa kanya. Sa akin, mistula lang iyong ordinaryong panulat na sinunod ko lamang ang alituntunin na nais niya para sa proyekto. 


Sa aming pag-uusap noon ay hinikayat niya ako na hubugin at sanayin ko pang muli ang aking pagsusulat, ngunit hindi ko ito masyadong binigyan ng importansiya. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang aking pagtuturo at pag-aaral. Maliban dito ay nahihirapan din ako sa sitwasyon na nagtuturo sa Olongapo at luluwas naman ng Manila tuwing sabado upang mag-aral...Kasabay pa niyan ang pagtitipid sa kakarampot na sweldong kinikita sa eskuwelahan upang may magamit na pamasahe sa pagluwas ng Manila...Magkaminsa'y makikiamot ako ng pera sa aking tiyahin na nakatira sa Tondo, Manila o kaya sa aking pinsan na nakatira sa Quezon City upang matustusan ang aking pangangailangan sa pag-aaral.

Dumating pa kami sa pagkakataon na gumagawa siya ng textbook at gusto niyang sumulat ako ng artikulo hinggil o may kaugnayan sa  pagsusulat o pagbabasa at nais niya itong ilathala..."Opo" lang ang naging sagot ko pero hindi ko binigyan ng katuparan ang kanyang kahilingan...

Sayang!..Ito na lang ang puede kong sambitin sa mga oras na ito. Nanghihinayang ako sapagkat, hindi ko man lang naipabasa sa kanyang muli ang mga bago kong artikulo na sigurado akong kagigiliwan niya...

Sa iyo Sir, maraming salamat sa pagtitiwala..Ikaw ang gumising at kumilala sa aking kakayahan na akala ko ay wala ako nito..Ngunit, meron pala...Di ko man natupad ang kagustuhan mo na maging bahagi ng iyong aklat, natupad ko naman ang kagustuhan mo na kilalanin ko ang aking sariling kakayahan..Maraming Salamat Sir sa pagtitiwala..Dalangin ko ang kapayapaan ng iyong kaluluwa sa piling ng ating Ama.

Paalam sir at maraming salamat.

Paquito Briones Badayos, Ph.D
June 30, 1947- April 12, 2010









Tuesday, April 1, 2014

Goodbye is only truly painful if you know you'll never say hello again


Sabi nang mga nakararami, madalas ay hindi natin nabibigyan ng importansya o napapahalagahan ang isang tao maliban na lamang kung ito ay wala na. At madalas, kapag nawala na ang taong ito ay dun lamang natin nararamdaman na mahalaga pala siya sa atin. Masakit pala. Lalo pa’t kung ang taong ito ay itinuring mo na kabahagi ng iyong buhay. Na ang taong ito ay madalas mong nakakasama, nakakabiruan, kasalo sa pagkain at maging sa pamamamasyal. Kaya ang pakiramdam mo ay kinuha na ang kalahati ng iyong buhay.

Lahat tayo ay nakakaranas ng mga pagsubok at mawalan ng mga mahal sa buhay. Minsan, mahirap tanggapin ang mga bagay na nangyayari lalo pa’t hindi natin inaasahan. Laging sinasabi nang ilan na “tanggapin mo na lang sapagkat ang lahat ay kaloob ng Diyos”. Totoo naman marahil na ito ay kaloob ng Diyos. At madaling sabihin at bitiwan ang salitang “tanggapin” ngunit hindi ganoon kadali lalo pa’t nananariwa ang masayang alaala na kasama mo siya at lalo’t wala ka sa ganoong sitwasyon nang pagdadalamhati. At hindi mo alam ‘yung bigat ng kalooban. Hindi ganoon kadaling makalimot. Hindi ganoon kadali na umusad agad tayo sa panibagong pagharap sa buhay. Nangangailangan din tayo nang tamang oras at panahon na maihanda natin ang ating sarili para masabi natin na “Okey na ako”.  Sapagkat ang oras at panahon ang magpapahilom at makakapagpagaan muli ng iyong kalooban at maibalik ang iyong normal na takbo ng buhay.

Magkaminsa’y iniisip din natin na may mga bagay na nangyayari  na hindi nararapat o kung minsa’y sa tingin natin ay hindi wasto. Sapagkat may mga taong higit na may karapatan na magpatuloy sa buhay at ibahagi ang kanyang kabutihan sa kapwa kesa sa mga ibang taong walang pagpapahalaga sa kanilang sarili. Iyong mga taong ganid! Iyong mga taong mapanakit! iyong mga taong walang pagpapahalaga sa buhay nang ilan!…Lahat ng mga taong may masasamang kalooban na taliwas sa dapat niyang iasal. Sila ang dapat na nawawala sa mundo at kinukuha!

Siguro nga ay napaka-“unfair rin natin sapagkat nahuhusgahan natin ang ibang tao ayon sa kanyang kinikilos at pananalita kaya natin nasasabi ito. Ngunit, hindi ba’t higit na napaka-“unfair” kung ang taong naging mabuti sa iyo at sa kanyang kapwa ay sa isang iglap ay bigla na lang mawawala? O kung hindi man ay magkakaroon ng mabigat na karamdaman na tila wala nang lunas?

Naniniwala tayo na ang lahat ng nangyayari sa buhay ng bawat tao ay sadyang may plano ang Diyos. At ang lahat nang iyon ay itinataas natin sa KANYA. Kaya lamang, hindi natin maikukubli ang sakit na nararamdaman na mayroon na namang mawawala. Lalot pa’t ang taong ito ay nagkaroon ng pitak sa ating buhay. Parang ang hirap tanggapin. Hindi mo kakayanin. Para kang nauupos na kandila. Mistula itong bangungot na hindi ka makagalaw at nakikipagtunggali upang magising na sana ay BANGUNGOT nga lamang ito.

Lagi natin sinasabi, sana may isa pang pagkakataon…

Sana panaginip lamang itong nangyayari…

At sana ay maibalik muli ang mga araw na nagdaan upang mapunuan kung anuman ang mga pagkukulang. Ang maitama ang maling nangyari, Ang makapag-iwan nang masayang alaala at kasiyahan. Na sa bawat minutong magdadaaan ay magiging kaiga-igaya at puno ng pagmamahal. Na sa bawat pagsasama sa mga oras na iyon ay mamumutawi ang mga ngiti at aalingawngaw ang mga halakhak bunga ng kasiyahang nadarama.

Alam natin na mahirap itong isipin pero naniniwala pa rin tayo na diringgin ito ng Diyos.

Masakit isipin at malaman ang katotohanan pero kailangang pa rin na maging matibay ang ating kalooban at matutong labanan ang damdamin. Sapagkat ang lahat nga ay may dahilan.

Madalas nga ay dinadaya natin ang ating sarili kapag kaharap siya. SInisikap natin na maging matatag kahit na alam natin na ang puso natin ay iniluluha ang kanyang abang kalagayan. Kinukubli natin ang totoong emosyon kahit alam natin na nasasaktan din tayo. Pero kailangan natin ipakita na tinutulungan natin siyang palakasin para magpakatatag din siya para sa kanyang sarili…Pero hanggang saan? Hanggang kailan?

Ang katotohanan pa, minsan ay ayaw natin siyang bitiwan at ipaubaya na sa Panginoon ang lahat . Mas masakit ang magpaalam kung alam nating sa mga susunod na araw ay hindi na natin siya makakausap pang muli. Hindi na maririnig ang kanyang tinig. Hindi na mararamdaman ang kanyang yakap o haplos. Hindi mo na masisilayan ang kanyang mga ngiti. Hindi mo na mararamdaman ang kanyang paglalambing.  

Isang alaala nang matamis na kahapon na lamang ang ating sasariwain.



Tuesday, March 11, 2014

Malupit din ba ang Inyong Pinakamamahal na Ama at Ina?

Tandang-tanda ko pa, sa musmos na edad ko ay binigyan ako ng maraming pagkakataon ng aking magulang na makapaglaro..Ngunit nung magkaroon na ako ng sapat na pag-iisip ay nilimitahan na nila ang oras ko. Sinuong na nila ako sa mga gawing-bahay na sa halip na sa mga panahon na iyon ay inilalaan ko ang bawat oras sa buhay ng aking pagiging bata- ang makipaglaro at samantalahin ang kasiyahang dulot ng paglalaro kasama  ng mga batang tulad ko.Idagdag pa ang araw ng linggo na paggising nang maaga upang magsimba na iyon na nga lamang sana ang pagkakataon upang makapaglaro.

Akala ko nung tutuntong na ako sa unang hakbang ng pagkatuto sa elementarya ay magkakaroon na ako ng malaking puwang sa paglalaro. Malaya!. Sapagkat nasa labas na ako ng aming tahanan at di abot-tanaw ng aking magulang. MALI pala! Mas lalong nalimitahan ang oras ko sapagkat may guro akong tagamasid sa amin sa loob ng silid-aralan. Bumasa, sumulat, makinig at magsalita. Iyan ang araw-araw na ginagawa namin sa loob ng silid-aralan. Iba-ibang paraan nga lamang o estratehiya ng pagkatuto.

Samakatwid, hindi ako natuwa sa naging resulta ng inaakalang kalayaan ko nang magsimula akong tumuntong sa elementarya. Mas higit na naging limitado ang oras ko sa paglalaro. Mas higit na ibinuhos ng magulang ko ang aking atensyon sa pagbabasa at pagsusulat. “Nakakabagot!” Iyan ang madalas na nagiging reaksyon ko sa aking sarili na hindi ko masabi sa harap ng aking magulang. Bagkus naging sunud-sunuran ako sa mga bagay na gusto nilang gawin ko.

Hayskul!...Sabi nila, ito ang pinakamasayang buhay sa parte ng mga kabataan at mga mag-aaral. Ngunit parang hindi ko naramdaman ito. Sapagkat sa buong maghapon ay nasa loob ka lamang ng eskuwelahan at silid-aralan upang makinig sa iyong mga guro at makibahagi. Matapos ang maghapong pakikinig, pagsusulat at pakikibahagi ay kinakailangan ko nang magmadali sa aking pag-uwi at kailangan na makarating sa bahay sa itinakdang oras sapagkat kung hindi ay sandamakmak na sermon ang aabutin ko mula sa aking ina at kung mamalasin ka pa ay palo ang aabutin mula sa aking ama.

Ang aking ama ay ang higit kong pinangingilagan sapagkat bihira lamang siya magalit pero kapag nagalit ay mag-iiwan talaga siya ng marka na iyong pakakatandaan!

Ang aking ina ay nagagawa ko pang lambingin kahit hindi ako nakatupad sa oras na itinakda ng aking pag-uwi o dili kaya ay di ko nagampanan ang responsibilidad na inatang niya sa akin. Iba talaga ang puso ng isang ina…

At matalino talaga ang Diyos. Kasi pinagsasama niya ang mag-asawang taliwas at may magkaibang paraan ng pakikinig, pagpaparamdam ng pagmamahal at paraan ng pag-aaruga sa mga anak.

Nung tumuntong ako ng kolehiyo, unti-unti ko nang nararanasan ang kalayaan na magdesisyon at gumawa nang naaayon sa aking kagustuhan. Sapagkat pakiramdam ko ay nasa hustong edad na ako. Lalo’t higit nang unang pumanaw ang aking  ama.

Pero sa kabila nang kalayaang iyon ay nandun pa rin ang makulit kong ina na nagsesermon sa akin. Nandun pa rin ang paulit-ulit na pagtawag o pag “txt” sa akin “anak, anong oras ka uuwi?”. Nandun pa rin na pinagagalitan ako kapag uuwi akong nakainom, lasing,  naninigarilyo o amoy sigarilyo. Minsan,natanong ko sa aking sarili “di naman na ako bata para sermunan at bantayan lagi sa aking pag-uwi”. Kaya lang di ko masabi sa aking ina. Di ko alam kung bakit?

Nang makatapos ako ng kolehiyo at makahanap nang maayos na trabaho ay higit akong nagpakalaya sa buhay. Sapagkat may inaasahan na akong sweldo buwan-buwan na hindi ko na kailangan humingi ng “allowance” kay ina. Nagagawa ko ng bilihin ang mga bagay na nais ko at ang masunod ang bisyo ko…at sumabay sa agos ng modernong panahon ng mga kabataan. Pero, nandiyan pa rin ang aking ina na walang kasawa-sawang nagsesermon.

Ngunit sa pagpanaw ng aking ina dahil sa malubhang karamdaman. At sa pagkakaroon ko ng sariling pamilya. Marami akong natuklasan at naunawaan. May magandang dahilan pala ang aking ama’t ina sa paraan ng pagpapalaki sa akin. Ngayon ko napatunayan at naunawaan na ang lahat nang iyon ay para sa AKIN. Ngayon ko rin nararanasan at naiintindihan ang damdamin nila bilang magulang para sa mga anak.

Kung nung bata ako ay mas nais nilang ilaan ko ang aking oras sa pag-aaral kesa sa paglalaro ay upang maihanda pala nila ako sa aking hinaharap. Sapagkat kapag nawala na sila ay makakaya kong tumindig ng nag-iisa dahil sa disiplina at sa karunungang naituro nila sa akin at ng paaralang humubog sa aking buong pagkatao.

Ngayon ko lamang natuklasan na kaya pala maaga akong sinanay ng aking ama at ina  sa mga gawaing-bahay upang lumaki akong responsable sa buhay na hindi iaasa ang gawain sa iba. Ang matutong kumayod at magsikap. Magkaroon ng sariling pagkukusa sa pagharap sa mga gawain. Na hindi tinatalikuran ang mga obligasyon sa buhay araw-araw.

Nauunawaan ko na rin ang dahilan kung bakit  madalas akong pinauuwi ng aking ama at ina sa oras na kanilang itinakda sapagkat gusto nilang mapanatag ang kanilang gabi sa pagtulog na kumpleto kaming buong pamilya. Gusto nilang makasiguro na nasa maayos kaming kalagayan.

Ang bawat SERMON pala ng aking ina ay isang pagpapaalala para sa anak at hindi isang pambubunganga lamang.

Ang bawat palo pala ni ama ay hindi palo ng poot o galit kundi palo ng pagmamahal. Na sa kabila nang aking kasiyahan sa gabi kasama ang barkada ay nababalot pala siya ng pangamba at pag-aalala. Kaya pala minsan matapos niya akong paluin ay nakikita kong iniluluha niya ito ng palihim.

Natuklasan ko ang dahilan kaya pala paulit-ulit kaming nagdarasal gabi-gabi at nagsisimba linggo-linggo ay para patuloy na magpasalamat sa Diyos sa bawat segundo ng buhay na ipinagkakaloob Niya sa amin. At gayundin sa pagkakaroon namin ng biyayang natatanggap. Higit sa lahat, ipinakilala ng aking ama at ina ang Diyos sa akin upang maunawaan ko ang buhay at magkaroon ako ng takot sa aking sarili at makilalang rumespeto sa tao - anuman ang antas ng pamumuhay o lahi at higit sa lahat igalang ang anumang bagay.

At kung anuman ang narating ko ngayon ay hindi dahil lang sa akin… Kundi sa mahusay na pagpapalaki at paghubog sa akin ng aking ama at ina bilang ako na kanilang anak na ikasisiya!









Nakakasiguro ako, labis ang kasiyahan ng aking ama at ina sapagkat napagtagumpayan nila nang maayos ang tungkulin nila bilang magulang sa kanilang mga anak bago man lang sila pumanaw…Ang maiwasto ang higit na makabubuti at magkaroon ng anak na  maipagmamalaki!



Saturday, March 8, 2014

Ang Sarap Maging Bata



Mabilis ang pag-usad ng panahon…



Parang kailan lang ay nabibilang lang ako sa mga batang nagtatampisaw sa labas ng bahay sa panahon ng tag-ulan. Hindi alintana ang lamig at babad na katawan..Sa mga panahong malakas ang buhos ng ulan, ang mahalaga nang oras na iyon ay ang kasiyahang dulot ng pagtatampisaw at paglalaro kasama ang mga batang kaibigan..


Nakakatuwang isipin ang buhay sa panahon ng pagkabata. Walang problemang dinadaing. Hindi mo aalalahanin ang pera, ang pagkain at ibang iyong naisin. Sapagkat madalas nakahain na at kusang-loob na binibigay ng ating magulang.

Mga prinsipe at prinsesa kung tayo ay maituring; Kain-laro-tulog, diyan lang madalas na umiikot ang buong buhay pagkabata natin. Walang kapaguran sa paglalaro.
  
Hindi lang tayo maituturing na prinsipe at prinsesa sa loob ng ating tahanan. Maging sa loob ng paaralan ay maituturing na tayo pa rin ang bida. Sa paaralan natin natagpuan ang ating ikalawang magulang na nagturo rin sa atin ng pagsulat at bumasa hanggang sa matuto at maunanawaan natin ito. Sila ang matiyagang umaalalay sa atin sa buong maghapon sa loob ng paaralan. Baon nila palagi  ang haba ng pasensya dahil sa ating kapilyuhan at kakulitan. Ang tanging hangad nila ay maibigay ang makabubuti sa atin; ang matuto at magkaroon ng magandang kinabukasan. Pero, sa mga panahon na iyon ay di natin napahahalagahan ang biyayang kaloob nila. Sapagkat mas higit na nakatuon ang atensyon natin sa ligayang dulot ng pagkabata - bagong kakilala, bagong kaklase at bagong kalaro.

Kailan lang ba natin naunawaan ang lahat ng ito? Kailan lang ba natin napahalagahan ang lahat ng pagod  ng ating mga guro lalo na ng ating mga magulang?


Nakakatuwang-balikan ang ang ating kamusmusan, lalo’t ang pakikipag-away ko noon sa mga larong teks kapag alam kong ginugulangan ako ng mga kalaro ko. Ang larong “tatsing-raner” na tila walang kapaguran sa pagtakbo na kahit nadapa na ay takbo pa rin pero mamaya ay iiyak na dahil sa hapdi ng sugat..Isama mo pa diyan ang pandurugas sa larong patintero na kahit nataya na ay sasabihin na “hangin iyon e (galit ka pa nun)”. .Lulusot pa ng katwiran para masabi na hindi nataya. Maski ang tumbang-preso na na nagbibigay ingay dahil sa kalantsing ng tunog ng lata, ang piko na paunahan ng bahay o "star", ang taguan na minsan ay kasabwat na rin natin ang mga matatanda para itago tayo,  ang luksong-tinik na halos liparin na natin ang mataas na mga patung-patong na paa't kamay ng ating mga kalaban..at siyempre ang langit-lupa ay iilan sa mga larong di ko malilimutan. Naaalala ko pa ang awitin ng larong Langit-lupa, "langit-lupa, impiyerno..im-im-impiyerno..(at kung kanino matapat ay siya ang...) TAYA ka! Sabay takbuhan na sa matataas na lugar. Isama mo pa diyan ang larong bahay-bahayan . At sino ba naman ang hindi makakalimot sa larong SYATO na kung mamalasin ka at di ka marunong sumalo ay TAPOS ka!..Kaya ako, ayun, bukol ang kinalabasan ko at nagmukha tuloy akong Unicorn ng tamaan ako sa noo..Ang mga larong Bangka-bangkaan sa pusalian na hindi alintana ang mabahong amoy - umulan man o umaraw. Ang nakatutuwang paligsahan sa mabilis na pag-arangkada at paglubog ng bangkang papel.. Ang pagpapalipad ng eroplanong papel na labis nating ikinatutuwa..

Pero, isang bagay lang ang nakakapagpatigil ng paglalaro ko -  Ang boses ng aking magulang  na tinatawag ang pangalan ko at kasunod ang ”pssssst” na pagtawag ng aking ama. Mabilis pa ito sa isang minuto. Kailangan kong  magmadali na umuwi ng bahay dahil kung hindi ay sandamakmak na sermon aabutin at kung mamalasin ka pa ay palo at pingot sa tenga o kurot sa singit...aguy!

Di ko naman maikakaila na  mas maraming oras ang ginugugol ko noon sa paglalaro kesa sa tumulong sa gawaing bahay. Kahit na hindi na kaaya-aya ang amoy ko bunga ng matinding pawis at dumi sa paglalaro ay tila wala akong pakialam...At kahit na minsan ay kinukuto na ako...dedma lang..

Ngayon ko lamang napagtanto, ang sarap talagang maging bata. Walang problemang dinadaing. Walang iniisip na alalahanin para sa pamilya. Hindi mo poproblemahin ang iyong kakainin sa umaga, tanghali, hapunan at maging sa meryenda. Hindi mo problema ang paglalaba ng iyong damit na puno ng mantsa at dumi. May kalayaan kang gawin na saklaw ng iyong pagkabata. Natutulog ka na wala kang iniisip na alalahanin kahit hindi pa kumpleto ang inyong pamilya sa loob ng tahanan.

Hayyy…ang bilis ng panahon…

Hindi na pala ako bata..Ako ay katulad na nang aking magulang na humaharap sa napakaraming responsibilidad at suliranin sa buhay.

Kaya lang nagtataka ako, bakit noong bata tayo kapag may nang-away at may nanakit sa atin, ilang araw lang ang lumipas ay bati na agad na parang walang nangyari?

Pero bakit ngayon kapag may nang-away sa atin o nanakit ay ang hirap makipagbati? At ang hirap silang patawarin at kalimutan?

Ngayon ay naunawaan ko na, napakasarap talagang maging bata.









Monday, December 30, 2013

An Open Letter for a Special People like you


Dear All,

As 2013 inevitably comes as close, I sit back and reflect to those who have shape my life for the past 365 days. I am overwhelmed of the happiness and success in my career I’ve chosen and inspired by the people behind this success in my fruitful year.

To all my real friends which include all my anak-anakan, batchmate, my Columban College family- your thorough advise and support will always be treasured and I will always be grateful having you in my whole life. I realized that good camaraderie is utmost important than other things.

To the Daewoo family, I really appreciate the kindness, support and understanding to my failures. It helps me a lot and I’ve learned more experience from you and will continue to strive more for the company. I really be indebted to the good friendship from you all.

To my detractors and back-stabbers, you’re my inspiration and the reasons I became stronger and believe in myself no matter what. I was blessed to have you because you spent your time talking to me at my back unknowingly that I became important part of your life. Lol

And most importantly for their untiringly sharing their love, affection, patience and understanding despite of my lapses I would like to express my deepest thank to my extension of life- my family and my wife Arlyn.

Lastly to Almighty God, the unconditional love He always willing to offer. May He always guide us with good health and I sincerely ask forgiveness to my behavior and moral difficulties.

I thank all of you for touching my life in different ways thereby enriching it; I am truly blessed for your existence.

And also, I share my adversity to those who have had suffered and I’m praying for them to have hope, peace, happiness and a worth living this coming year.

And to those who were favorable, wish the continuation of astounding experience in their lives.

This coming year of 2014,  wishing a bountiful new year with a good prosperity and good health from my family to yours.

Happy New Year!


Thank You 2013


2013 is about to end and we will officially bid goodbye and will welcome the 2014 with a fabulous year for us.

2013 is not an easy year for me.  The 2013 brings a lot of trials and determine my strength. Grow and develop my complacency and positive outlook. The 2013 brings me also tears despite of the accomplishment I achieved.  And notwithstanding in my share of “falls” - my work and my wrong decisions, I always stood up and shown audacity and toughness. And I learnt a valuable lesson in every vast of experience.

No turning back. No regrets. And I never give-up.

The year that has just passed was remarkable for many reasons; some good and some less so. Nevertheless, I will consider as a wonderful year.

And before the end of 2013, allow me thank everyone behind my happiness, tears and success in Year of the Snake. I’ve learned so many experiences and lessons.

Thanks to Almighty God for the blessings and the constant reminder of my sinfulness. And for allowing me to have a constant relationship though sometimes I failed to attend my obligations of being a Christian. Oh Lord God, I always lift-up all the blessings I received from You, for giving me a healthy mind and spirit; and emotional strength to be able to take care of my family and to continue to serve them. In my heart, You are always number one no matter what.

I have to thank You also for giving me a glorious family and wife, they serve as my inspiration, my motivation and my inner strength. May You continue to grow our love for each other in coming year.

Thank You for the friends You had placed into my life, the people who shared their lives, even they are goofy and they would like to be lean on top of happiness. We were so crazy then.

This coming 2014, may holds numerous good surprises. And illuminate with lights of hope and aspiration of a brighter and better years. May God continue to bless us with love, happiness and success in life and continue to opens up more opportunities and avenues of success.  May the unfulfilled dreams and desires I had last year of 2013 be fulfilled with God’s guidance and blessings. Moreover, I just hope and pray that those who were affected by the tremendous calamity especially in my home country, may they surpass all those trials and keep in mind the spirit of hope. And to all our political corrupt leaders, may You help them to enlighten their mind and spirit; focus rather to the true commitment and obligations not only to the constituents but also to society and to a broader human race. May they improve our country for better and the human condition as their primary focus.

For the 2014… We welcome you aboard and hope you will give us full of true spirit, grit, determination, vitality and endurance...J