About Me

My photo
ABU DHABI, United Arab Emirates
Sa kabila ng mga ngiting inyong nasisilayan ay nagkukubli ang isang damdamin na naghahanap palagi ng mga tamang kasagutan. Tinutuklas ito ng mga matang mapagmasid, maging ng tengang nakikinig… at tinitimbang ng pusong nakadarama at maging ng isipang kumikilala. May mga saloobin na hindi kayang isigaw ng damdamin sa paraang hayagan. Tanging ang makinilya, ang pluma o papel ang tanging KAKAMPI, ang tanging makakapagpagaan ng umiiyak na kalooban…Tanging ito lamang ang magpapawi ng agam-agam o kalungkutan…Ang magpapasaya ng lahat.. Ang tutuklas at kikilala ng mga baluktot at magandang pangyayari sa buhay…

Saturday, December 17, 2011

HANDA KA NA BA KAIBIGAN?


Bura”, “Ta Con”, “Ta Beth”, “Tawe”, …ilan lamang ito sa mga tawagan naming magkakaibigan sa isa’t isa…Bawat isa sa amin ay may kanya-kanyang katangian na halos lahat ay magkakasalungat ng ugali…Ngunit, ang pilit kong inuukilkil sa aking isipan ay kung paano kami nagsimula at nabuo….ang natatandaan ko lang ay nung pumasok ako sa institusyon ng Columban at naging parte ng kahusayan ng paghubog ng kaalaman at kaasalan ay naroon na si Ta Con…4th  Year Teacher na siya noon at dun lang siya “umeepal” sa departamentong iyon…Maldita siya maski sa unang tingin pero may sanib din siyang katulad ko…Si Tawe ay sumunod sa akin ng ilang buwan dahil maagang nagresigned noon si Ms. Ebilane na siyang ka-batch ko sa Columban…kaya siya ang humalili….Si Tawe, sa biglaang tingin mo sa kanya ay mistula siyang seminarista…mapinong kumilos at magsalita, wala kang maitutulak sa kanyang ugali…Makalipas ang isang taon ay pumasok din sa institusyong ito si Ta beth, na kapag pinagmasdan mo pa lang ay makikita mo ang tunay na mother image sa kanya…malambing at maasikaso…

Sa panimula pa lamang ay mababanaag na ninyo ang kaibahan ng mga ugali namin, mgamagkakasalungat…..kasi sa aming magkakaibigan ako ang BLACKSHIP na matatawag,…pasaway, mabisyo at iba pang puedeng maikapit na negatibong ugali ay nasa akin…ngunit sa kabila ng lahat ng ito at ng katigasan ng ulo ko ay lagi nilang sinasabi sa akin na “o, iiyak ka na naman”Kilala nila ako bilang isang taong may mababang luha,…di ko din alam kung bakit???..

Sa dinami-dami ng outing at retreat namin mga guro ng Columban ay di ko na matandaan kung paano kami nagsimula…basta ang natandaan ko na lang ay magkakasama na kaming apat sa mga pictures noong nagkaroon kami ng retreat sa Nagbayan, Batangas, nagtour at nananghalian sa Villa Escudero, nag-Enchanted Kingdom nang makailang beses, nag-Star City, inikot ang Malabon Zoo,  nagtampisaw sa mga karagatan sa Olongapo at sa SBMA lalo’t higit ang pagligo ng gabi sa dagat kasama minsan ang kanya-kanyang pamilya, retreat sa Baguio, sa Tagaytay at kung saan-saan pang lugar na aming napasyalan na magkakasama…..

Hindi ko matatawaran ang ligayang hatid sa akin ng aking kapalaran sa Columban sapagkat doon ko nakita ang mga tunay kong kaibigan…

Sino ang makakalimot kay Ebok (John John Montajes) na halos kaututang dila ko na, na sa pagsapit ng uwian ay sa halip na sa bahay ang tuloy pag-uwi ay mamalagi muna kami kay “nanay” sa Showbank na aming tambayan upang magpalipas ng oras at magbahaginan ng  aming karanasan sa buong maghapon kaharap ang paborito naming inumin….Dito sa Showbank namin nilaro ang Cardinal games sa pamumuno ni Peter na tropa ni Ebok na orihinal..si Chris Torda na lagi na lamang kami tinatakasan pag nag-iinuman, si Kiko na sinasabing mayabang pero may ipagyayabang nga naman dahil sa husay niya sa Chemistry…si Klinefelter na halos sa tuwing iinom kami ay lagi na lamang unang bumabagsak sa aming tagayan…si Norman na may simpleng kalokohan din,…si Mr. Antes na talagang panalo lagi sa inuman na ilang beses ng lumalagpas sa bahay nila bunga ng kanyang kalasingan…si Michael Ting na kahit wala na sa Columban ay nandiyan pa din upang umagapay sa maBOTEng usapan at maging sa panahon na ikaw ay may problema…, kaibigang hindi ka bibitiwan sa panahon na may problema ka at handang umagapay at umunawa sa pagkukulang mo bilang indibidwal...pero higit sa lahat sa mga kainuman ay iba makisama si Bossing (Sir Bogz)… mapabuti o mapabote man ang usapan ay di ka talaga iiwan…ilang beses na akong nasangkot sa away at pag kinontak mo agad siya ay biglang darating na parang si SUPERMAN…Ilang saklolo na ba ang ginawa niya?..Nagulat nga ako nung tinadyakan niya ang isang nambastos na lalaki sa aming estudyante na nakatambay sa GEN-X…na di ko alam kung ilang baitang at nahulog ang lalaki sa pagkakatadyak…

Di ko din maitatatwa na may malaking puwang sa kasiyahan ng buhay ko si Karen Baluyut-Quintino, na naging kaututang-dila ko sa lahat ng bagay..Nagtutugma ang aming hilig at kalokohan sa buhay..Kami ang magtropa na away-bati...na pag nag-away e bibilang talaga nang maraming buwan bago kami magbati uli..Walang pansinan kahit na nasa iisang Faculty Room lang kami. Wari mo'y no one exist!..kasi naniniwala kami na "time will heal the wound"..ang mga away namin na simple ay pinalalaki namin para masaya..napag-uusapan kasi  kami at maraming nagmamalasakit sa amin...Si Karen ang babaeng pinaselosan noon ng gf ko e magkumare naman sila...Ewan ko ba kung anong karisma meron sa kaibigan kong ito gayung mas maganda naman nang di hamak ang gf ko..hahaaha

Di ko rin makakalimutan si Momi Sansu, sa kanyang imahe ng isang butihing ina..ang lagi kong kasabay mananghalian at kakwentuhan at kalabasan ko ng sama ng loob...Si Momi Su ay sadyang napakabuti sa sinuman..hindi ko lang alam kung pinagtitiyagaan lang din niya ako..hehehe, pero nakakasiguro akong love na love ako ni momi su..Siguro ang tingin sa akin ni momi su ay isang halaman na dapat diligan at busugin sa mga pangaral...heheheeh...matigas kasi ulo ko e...heheheh

Malaki din ang naging pasasalamat ko sa maagang tiwala na ipinagkaloob sa akin ng administrasyon na humawak ako ng 4th year class na alam kong komplikado ngunit di sila nabigo sa akin (yabang di ba?)….si Ta Con, Ta Beth at ako ay kapwa mga adviser ng 4th year at si Tawe ay Year Coordinator ng 2nd year (astig di ba?)…Mga BIGTIME sila…si Ta Con ay 4th year Coordinator at si Ta Beth ayEnglish Coordinator…ako???…sikreto…hahahhaha…isang ordinaryong manggagawa…

Maraming masasayang alaala ang nabuo sa akin sa pamamalagi ko ng mahabang taon sa Columban…at sa haba ng taon na iyon ay halos makailang beses na kaming nag-away ni Ta Con,….nandiyan ang burahin niya ang mukha ko sa larawan…na akala mo ay minasaker ang kapogian ko…Si Ta Beth naman ay once lang yata kami nagkatampuhan dahil sa maling gawi ko noon (pasaway nga ako e)..pero ang higit sa lahat at simula noon ay ni hindi pa namin nakakaaway si Tawe….kasi, itong taong ito ay di ko alam kung tao ba o hindi…kasi kahit asarin mo siya ay di napipikon at tatawanan ka lang niya…siya ang pinaka-COOL sa amin…Si Ta Beth at si Ta Con ko ay mga butangera….Sila iyong very expressive sa emotion…pag ayaw nila sa sistema at ayaw nila sa iyo ay sinasabi…kaya nga ako ay ilang beses na akong nasusupalpal ng mga ito..lalo na’t pag naamoy nila ang singaw ng alak sa katawan ko…pero alam ko hindi nila ako pinagtitiyagaan…nachachallenge lang sila sa ugali kong pasaway…(hehehehe)…pero ang totoo niyan ay mahal na mahal ako ng mga ito….ilang beses ko ng napatunayan kung gaano sila magpahalaga sa akin bilang kaibigan nila…..ako ang pinakachildish sa amin…ang mature sa aminMINSAN ay si Ta Beth…puro sermon….mother image nga e…pero may kapraningan din ang kaibigan kong ito…madrama din siyang katulad ko pero may sanib din na kalokohan na tulad namin ni Ta Con…Nahawa ba siya sa amin o sadya yatang inborn sa kanya ang simpleng pang-aasar ? ..pero mababaliw ka sa kanyang banat….“Calvin Klein” siya ang unang nagbansag sa akin ng pangalan na ito…Pogi daw kasi ako…hhehehehe.

Kumbaga sa teleserye, may kanya-kanya kaming papel sa buhay….si Ta Con ang madalas mang-asar kahit saan man kami magpunta at take note wala siyang pinipiling lugar kaya nga madalas kami nag-aaway….Ako naman ay laging may handang panlait….si Ta Beth ang aming mediator…in other wordsREFEREE ng aming buhay….si Tawe?…smile lang gagawin niyan….at higit sa lahat ay tatawanan ka lang niya kahit anong pang-aasar ang gawin mo sa kanya…sa kabuuan ikaw din ang maasar sa ginagawa mong pang-aasar sa kanya…

Makakalimutan ba ni Ta Con, na nag-one on one kami na nag-inom sa Sam’s…dahil may suliranin ako noon at ako ay kanyang dinamayan….walang patid ang aming pag-inom…di namin  alintana ang oras na iyon….Si Ta Con, ang laging “available” at handang sabayan ang hilig ko…basta PAKAININ mo lang siya….Sa Sam’s Pizza Haus tinikman ni Ta Con na kasama ako ang iba’t ibang flavor na naka-mix na ladies drink…d2 kami nagdramahan, nag-iyakan at nagtawanan…Di pa sana matatapos ang aming sentimyento kung hindi sumakit ang kanyang tiyan sa halu-halong flavor na kanyang nainom…KATAKAWAN kasi..hahahaha…Si Ta Beth ay bihira mong mayakag nang ganito kasi kailangang umuwi ng maaga upang asikasuhin ang kanyang pamilya….si Tawe naman, nang mga oras na iyon ay laging abala sa mga “raket” niya sa tutorial…nagpapayaman ang kupal…

Si Ta Beth naman ay hanggang ngayon ay di niya makalimutan ang pagsaklolo, pag-awat at pagtulong ko noon sa gulo nang halos itinuturing ko na rin na mga kapatid at kapamilya…Makakalimutan ba ni Ta Beth, na harangin niya ang mga driver na may hawak na mga tubo at balak ihambalos sa amin?…Si Ta Beth yata ang orihinal na “DARNA” sa makalumang henerasyon na sa wari niya ay di magkakalasug-lasog ang buto niya pag naihambalos din sa kanya iyon….Kakaiba talaga si Ta Beth…dakilang ina….Matapos ang kaguluhan na iyon, ay naramdaman ko na lang na masakit ang panga ko at batok…bunga siguro ng mga tarantadong umeepal na tsuper na sumasapak sa amin…may bahid na kami ng mga dugo…ang saya-saya….

Si Tawe ay ang laging may kontrol sa sarili…..madali mo siyang mayaya sa inuman pero alam niya ang limitasyon niya….Uuwi siya ng matino na akala mo ay di man lamang nakalagok kahit isang tagay lang…Siya ang tao na ang takbo ng pag-iisip ay laging positibo…ni hindi mo nakitang nagalit sa klase…ni hindi mo nakitang nagwala…maski pagalitan niya ang anak niya ay nakasmile pa rin siya….bakit kaya???..

Sa kanila ko napatunayan na hindi lang sila sa saya laging naririyan, maging sa panahon ng krisis ng buhay ko ay nakaagapay sila palagi…kailanman ay di nila ako binitiwan sa panahon na kailangan ko ng karamay at kakampi…na kahit sa anumang oras na kailangan ko sila ay laging handang dumamay lalo na sa usapin ng aking pamilya…..nandiyan si Tawe na susundan ako sa lugar na aking tambayan…si Ta Beth na papapuntahin niya ako sa kanila at handang makinig sa akin at papangaralan nila ako ni kuya Dan. Si Ta Zen na nanahimik naman ay sasalo sa aking matutuluyan kahit pansumandali lamang habang nagpapalipas ng sama ng loob…si Ta Con, na walang patid na kakatawag o kaya ay kakatxt bilang pagpapaalala….at kung hindi man ako sumagot ay nagpapasaload o kaya ay bentahan ako ng e-load…..maabilidad si Ta Con, kahit sa panahon na may problema “business is business”..hahhahhaa

Natatandaan ko pa na wala kaming ginawa sa tanang buhay namin kundi ang kumain..kumain…..kumain at lumamon hangga’t may pera at kahit walang pera din pala…Kasi gagamitin namin ang mga credit card ko sa Standard, HSBC at Citibank…Nag-iwan na kami ng alaala nang makailang beses sa Espresso, Mario, Max’sKenny Rogers, Wimpy’s, Cocolime, Gerry’s Grill, Meatplus, at iba pang mga sinasabing “class” na restaurant sa SBMA…basta may bagong bukas at bagong nadiskubre na makakainan ay kailangan namin na mapuntahan gaano man kalayo…Iisa lang ang isinisigaw ng aming sikmura, ang maghanap ng makakainan at dun din kami halos nagkakasundo….Kaya kapag nagkayayaan na kumain after class ay dire-diretso na…nagmamadali ng bumababa ng 2nd floor upang tunguhin ang daan palabas….

Si Ta Con ay kayang sumabay sa agos ng kalokohan ko lalo’t higit sa pagkuha ng litrato…na kahit anong anggulo ay match na match kaming dalawa…..kung anong mapagkasunduan naming itsura sa picture ay aming ginagawa…kaya pag nagtabi na kami at inilabas namin ang mobile namin na may camera ay umaatikabong picture-an na iyon…kahit pa may seminar o nasa publikong lugar kami..“Bura,…click..”  “Ta Con….click”….Nawawala ang pormalidad sa aming kasuotan at di namin alintana ang mga tao na nasa aming paligid….basta ang mahalaga sa amin ay masaya kami sa aming ginagawa na bagama’t kalokohan ay wala naman kaming natatapakang tao…Ito ang isang paraan ng ekspresyon ng aming kasiyahan…ginalit man kami o hindi ng aming mga estudyante…..Ito ay isang paraan din ng nag-uumalpas na aming emosyon bunga ng tensyon sa buong maghapon na pakikipagbuno sa aralin at  pagdidisiplina sa mga MAKUKULIT na estudyante..

Si Ta Beth, hindi pa masyado….mahiyain pa ang kaibigan kong ito hehheheheh…si Tawe ay ganun din, mahiyain nang kaunti at madalas nawawala kapag magpipicture-an na kami…alam niya kasing di siya madidiskubre…hehhehe….di namin malilimutan ang mga litanyang hinango pa namin sa mga pelikula kapag may pinagdidiskusyunan kaming walang kakwenta-kwenta… “sinasabi mo lang iyan kasi nakasanayan mo na”, “you’re absolutely right, I was never your friend im just you MAID kaya di mo ako nirerespeto”…. “para kang bukas na karinderya na handang pumasok sa gustong bumili”,…. “oo ate, puro na lang oo ate, oo ate..”(Si Ta Con ang may pakana ng lahat ng ito)..kaya marami ang naaaliw sa amin na mga kaguruan at nangangarap na maging bahagi ng aming samahan…Kaso pag di talaga ukol ay di bubukol…Nagiging bulaklak na namin ang paggamit ng mga tanyag na diyalogo mula sa pelikula…halos nagkokonek ang aming mga isipan kapag may mga litanyang lumalabas na mula sa aming bibig…lahat ay handa sa mga ganting isasagot at matatapos iyon sa tawanan,…

Ang pamilya ng bawat isa sa amin ay halos parang iisa…halos nagdugtung-dugtong na rin ang mga puso namin….hindi na kami naging iba sa pamilya ng bawat isa….KAPAMILYA kung kami’y magturingan….

Sa Seafront namin binuo ang pangarap na makaalagwa sa hirap ng buhay….ang seafront ang saksi ng aming matayog na pangarap…ng aming pighati at mga sentimyento kasama si Wayne na aking butihing kaibigan, Momi Susan na laging naririyan upang magmalasakit at makinig at si Ta Zen na kapwa ko iyakin…ang malawak na karagatan na iyon ang aming naging wishing shore….ilang barya na ba ang naibato namin?…di na mabilang…ang mahalaga ay unti-unti na namin naaabot ang pangarap….

Sa aming paghihiwalay sa institusyong aming nasimulan ay may baong pait ngunit sadyang kailangang harapin ang bagong buhay sa ibayong dagat sa ngalan ng pamilya…

Sa kabila ng malawak na karagatan na namamagitan sa amin ay patuloy ang aming ugnayan gaano man kalayo…hindi namin napuputol at puputulin

No comments:

Post a Comment