Ginulantang na lamang ako ng mga balita nang araw nang linggo sa pangyayaring naganap mula sa Timog bahagi ng kapuluan ng ating bansa. Di ko akalain na kikitil nang maraming buhay ang bagyong Sendong sa panig ng Iligan, Cagayan De Oro at iba pang karatig-lugar. Ang pananalasa ng bagyo ay nagwasak ng kabuhayan at maging nang maraming tirahan.
Di ko maitatatwa na nakailang pagpatak ng luha ang dumaloy sa aking mata habang patuloy akong nakakabasa at nakakapanood ng balita ukol sa kasalukuyang lagay nila. Dinudurog ang puso ko ng awa. Ramdam ko ang sakit at bigat sa dibdib na mawalan ng mahal sa buhay lalo pa’t ito ay hindi inaasahan.
Ayokong isipin at sabihin sa sarili ko na “maswerte ako at ang pamliya ko sapagkat di sila ang naapektuhan”.. sapagkat hindi dapat.
Walang dapat nasaktan at binawian ng buhay.
Ang bawat pagtangis nila sa pagkawala ng kanilang pamilya ay nagpapabigat ng aking kalooban.. Sana hindi na lang nangyari ito. Sana panaginip na lang ang lahat.
Ngunit sadyang totoo ang imaheng nakikita ko. .
Sa pangyayaring ito ay may dapat pa bang sisihin?
Kung magsisihan ba tayo ay magagawa pa bang maibalik ang buhay na nawala.?
Makaahon kaya agad sila sa biglaang lugmok na kahirapan?
Wala na tayong dapat sisihin…wag na nating ituro ang sinuman ang may sala..
Sa panahon ngayon, kailangan nila tayo…kailangan nila ng matinding pagdamay…
Ito ang araw na itinakda nang muling pagdamay sa ating mga kapatid na Pilipino. MInsan sa buhay natin ay kailangan natin sikilin ang ating sarili sa mga materyal na bagay na nagpapasaya sa atin, bagkus ibahagi ang ating tulong- maliit man o malaki ay may magagawa para sa kapatid nating nasalanta at iniwan ng mga mahal nila sa buhay.
Panahon nang pagkatok sa ating mga puso. Panahon ng pagdamay. Panahon ng pagbahagi ng kaginhawaan sa mga kapatid nating nalugmok sa matinding kalamidad.
“Let’s ACT now. Let’s SHARE what we can give and OFFER what we can provide to them”
No comments:
Post a Comment