Sa lipunan natin ay sakit nang halos nakararaming tao ang pagiging mapagkalap ng mga maling balita at kadalasan ay madali tayong mapaniwala sa mga haka-hakang ito hanggang sa tuluyan na natin na isinalin-salin sa bibig nang halos nakakarami.
Nagmistula na tayong mga BATA na naglalaro ng mga bagay-bagay na ang nangingibabaw lamang sa atin ng mga oras na iyon ay ang kasiyahang dulot ng ating ginagawa pero hindi natin alintana ang masamang dulot nito.
Ang TSISMIS ay tsismis na kailanman o higit man ay pawang gawa-gawa lamang ng malikot na pag-iisip ng mga tao. Ang bawat kilos o galaw, pagkibot ng iyong bibig ay nabibigyan nila ng ibayong pananaw at konsepto upang maging kaiga-igaya sa mga taong makakarinig ng kanilang bagong ikakalat na balita at muling makakalap.
Ito ang salamin ng lipunan natin. Nakakatakot! Sila ang mga tunay na HALIMAW sa ating paligid. Pailalim kung sumagpang sapagkat di mo alam kung sino ang mga kalaban mo at kung sino ang mga TOTOOng tao na nasa paligid mo. Mayroon silang sariling mascara na kayang ikubli ang buo nilang pagkatao.
Ngunit kaibigan, masaya ka ba sa ginagawa mo? Masaya ka ba na pinagpipyestahan ng mga tao ang mali mong imahinasyon laban sa iyong kapwa? Masaya ka ba na nakikita mong nagdurusa ang abang tao at ang kanyang pamilya sa iyong mapaglubid na salita?
Napatunayan mo na ba sa sarili mo na nakatulong ng malaki sa iyo ang pagiging TSISMOSA at TSISMOSO?...Maaaring oo, sapagkat ikaw ang pinagsasagapan ng mga impormasyon ng lipunan sa paligid mo..Sikat ka, ika nga'
Pero hinay ka lang kaibigan, baka sa pagiging tsismoso at tsismosa mo ay di mo namamalayan na NAWAWASAK mo na pala ang buhay ng ibang tao at maaaring MAGKITIL ka pa ng BUHAY.
Kailan ka titigil sa pagkakalap ng maling balita???....Kapag WASAK na ang pamilya ng tao at NAGBUWIS na siya ng buhay dahil sa gulong ikaw LANG mismo ang may maling likha at sa baluktot mong hinala???
Gising ka kabayan...bago mahuli ang lahat…
No comments:
Post a Comment