About Me

My photo
ABU DHABI, United Arab Emirates
Sa kabila ng mga ngiting inyong nasisilayan ay nagkukubli ang isang damdamin na naghahanap palagi ng mga tamang kasagutan. Tinutuklas ito ng mga matang mapagmasid, maging ng tengang nakikinig… at tinitimbang ng pusong nakadarama at maging ng isipang kumikilala. May mga saloobin na hindi kayang isigaw ng damdamin sa paraang hayagan. Tanging ang makinilya, ang pluma o papel ang tanging KAKAMPI, ang tanging makakapagpagaan ng umiiyak na kalooban…Tanging ito lamang ang magpapawi ng agam-agam o kalungkutan…Ang magpapasaya ng lahat.. Ang tutuklas at kikilala ng mga baluktot at magandang pangyayari sa buhay…

Thursday, November 12, 2015

CREDIT CARD: UTANG MO, TINATAKASAN MO



Astig!

Iyan ang dating sa iyo nang ilan sa mga nakakakilala sa iyo kapag mayroon kang credit card. Nangangahulugan lamang na may kapasidad kang makapagbayad batay sa iyong sinumiteng buwanan o taunang sahod sa bangko. Aprubado ka!

Kung sabagay, hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong oportunidad. Sapagkat hindi lahat ay kumikita nang katulad nang iyong nararanasan. May sapat na kinikita at may ipantatapat agad sa kung anuman ang nagastos o nautang mula sa kung saan man na pamilihan o alinmang establisyemento.

Maaaring ang iba ay nag-aasam rin na magkaroon nang katulad nang iyong nararanasan. Hindi naman masama, pero mas makakabuti na huwag na nilang naisin sapagkat magiging dagdag lamang ito sa pasanin nila lalo pa’t kung magkakaroon ng kawalan ng disiplina sa sarili.

Ano nga ba ang meron sa Credit Card? 

Malaking tulong ang credit card sa mga di inaasahan na mga pangyayari lalo’t higit kung wala kang sapat na salapi sa iyong bulsa. Ito ang posibleng solusyon na PANSUMANDALI. Ngunit kaakibat nito ang pagpapaalala na ito ay UTANG, iyong INUTANG at dapat mong BAYARAN. Samakatwid, iikot lang ang iyong pera sa tulad ng mga ordinaryong tao na may pang-araw-araw na gastusin na walang credit card. Ang kaibahan lamang ay bumibili sila nang naaayon lamang sa kung ano ang meron sa kanilang palad. Hanggang doon lamang. May limitasyon. Hindi lumalabis sa tinatawag nilang “budget” mayroon sa kanilang kamay o bulsa.

Napakaswerte mo sapagkat may kakayahan kang mangutang at may kapasidad ka rin na makapagbayad ayon sa iyong dineklara sa bangko. Ngunit ang bawat perang inuutang ay dapat nailalagay sa tama. Nagiging masama lamang ito kapag mali ang iyong pinagkakagastusan at nakakalimot ka sa iyong responsibilidad.
Ngunit, kung ang bawat pangungutang ay humihigit pa sa iyong pinagkukunan ng ikinabubuhay, ito ay hindi na nakakabuti sa iyo. Nagiging maling hakbangin na ito. Itinutulak mo ang iyong sarili sa isang bagay na mahirap masolusyunan. Sa halip ito ay iyong tinatakasan. 

Madalas nakakalimot tayo sa ating limitasyon bilang tao kung hanggang saan lamang ba ang puede nating gawin batay sa tinatawag nating “means” sa ating buhay.
 
Minsan nga ay naitanong ko sa aking sarili, kung ikaw ba ay pinaghehele ng iyong kunsensya sa tuwing gabing natutulog ka. At kung natutuwa kang makita na ang mga bagay sa iyong paligid ay mula sa mga obligasyong iyong tinakasan. 

Hindi mo ba napansin na wala kang pinagkaiba sa ikinayayamot mong mga pulitiko ng bansa? Hindi mo ba napansin na tulad ka rin nila na nanloloko at nagnanakaw? 




Thursday, September 10, 2015

Balik-Tanaw: Hamon sa likod ng Krisis sa Libya 2014

Isang taon na pala ang nakakalipas matapos ang matagumpay na mailikas ang mga empleyado ng Daewoo E & C sa gitna ng bakbakan sa bansang Libya.

Biglang nanariwa sa akin ang mga nagdaang pangyayari at di ko akalain na malalagpasan ko ang isang mabigat na tungkulin na mamahala katuwang ang aking amo sa pagsasagawa ng komunikasyon sa mga sangkot na ahensya at gobyerno. Ang walang patid na pagsubaybay sa bawat takbo ng operasyon.- ang Humanitarian Mission in a strife-torn Libya Crisis.

Hindi ko maubos maisip kung saan ko nahugot ang lakas ko noong mga panahon na yun.

Ang buwan ng Hulyo 28, 2014 hanggang Agosto 26, 2014 ay ang mga panahon na nagkaroon ako ng tila kakaibang lakas.

Hindi ko lubos na maisip na magkakaroon ako ng pagkakataon na makausap ang mga Ambassadors, Konsulado, mga kinatawan o opisyales ng Libya, Malta, India, Dubai at ang tagapamahala ng sasakyang panghimpapawid katulad ng Air Charter Services. Hindi ganoon kadali ang pagpaplano sa madaliang paglikas sapagkat may dapat isaalang-alang na proseso nang naaayon sa IATA (International Air Transport Authority). Maraming dapat ikonsidera at dapat na lakarin na mga permiso. Idagdag pa ang aking pang-araw-araw na gawain sa opisina.

Pinagtakhan ko pa sa aking sarili kung bakit kailangan na kaming mga nasa Abu Dhabi na sangay ang dapat na mamahala gayung ang dapat ay ang aming himpilan sa bansang South Korea mismo ang magsimula ng pagpaplano at operasyon ng paglilikas. Ngunit, si amo ko noong panahon na yun ay tila wala rin nagawa na tanggapin ang tungkulin. Kaya sino rin ba ako para tanggihan ito lalo pa’t ito ay isang humanitarian mission.

Naramdaman ko ang hirap sa pagsasagawa ng humanitarian mission. Ang madalas na paroo’t parito namin sa Dubai at Abu Dhabi. Lakarin ang mahahalagang dokumento at permiso mula sa mga Konsulado at Ambassador ng mga sangkot na bansa. Katuwang namin ang namamahala sa Air Charter na walang patid sa paghakbang kahit tanghaling tapat. Karagdagan pa na ang buwan na iyon ay ang kasagsagan na matindi ang init ng panahon na pumapalo na hindi bababa ng 40 degrees. Matapos malakad ang ilang mahahalagang proseso ay kailangan namin bumalik ni amo sa opisina at harapin ang aming aktuwal na trabaho habang hinihintay ang resulta o progreso na aming nilalakad para sa humanitarian mission.

May mga ilang araw na limitado lamang ang aking tulog. Kailangan ko gumising muli ng maaga at pumasok upang antabayanan ang ibang impomasyon. Lagi akong naka-“on-call duty” kahit dis oras ng gabi. Natatandaan ko pa ang magkasabay na espesyal na okasyon ng araw ng Agosto 15 na magkaiba ng lugar ng selebrasyon; si Kuya Dong na aking kasamahan sa trabaho at ang aking kaibigan na si Ryan Jaring. Kahit sa mga oras na iyon ay nagtatrabaho pa rin kami ni amo. Nakaharap pa rin ako sa kompyuter habang ang lahat ay nag-iinuman at nagkakasiyahan. Walang pinipiling oras at araw talaga ang mga ganitong pangyayari.

Naramdaman ko ang pagal ng aking katawan. Gusto ko ng mahabang tulog at pahinga. Mas lalo kong naramdaman ang pagod sa mga araw ng operasyon nang paglilikas (3 pangkat na magkaiba pa ang petsa ng paglikas). Halos abutin ako ng 24 oras na dilat ang mata sa walang-patid na pagmamasid sa bawat hakbang ng aming misyon, simula sa pagsakay ng barko ng aming mga empleyado mula sa Libya papuntang Malta, at pagsakay ng eroplano patungo sa itinalaga namin na mga destinasyon. Mahigpit ang aming pagmamatyag hanggang sa  makarating sila nang maayos at matiwasay sa kanilang mga bansa. Masalimuot. Dumaan kami sa proseso na tila mahihirapan na mailikas sila. Nakaantabay ang lahat ng mga naatasan na mga ilang opisyales ng IATA sa Malta, Libya at India. Maging ang mga opisyal ng kumpanya ng Daewoo sa Libya, Malta at Korea. Mas pinahanga ako ng Air Charter na 24 oras na nakasubaybay at walang patid na pagbibigay ng impormasyon sa amin bawat oras.

Habang ang mga kasamahan ko sa trabaho ay himbing na sa pagtulog, ako naman ay tila nagsisimula pa lamang sa aking trabaho kahit dis’ oras ng gabi kasama ang aking amo.

Naramdaman din ng amo ko ang pagod na katawan. Halos gusto na namin ilatag ang aming katawan sa malambot na higaan. Gusto namin ng sapat na oras na pagtulog. Gusto na namin na mairaos na sa madaling panahon ang misyon. Umantabay at sumuporta na rin sa amin ang ilan namin kasamahan sapagkat naramdaman marahil nang amo namin na hindi namin kakayanin ng kami lamang dalawa ang gaganap ng tungkulin.

Hindi ko maitatanggi na dumating na rin ako sa puntong iniluha ko yung pagal kong katawan at isipan. Naramdaman ko ang panghihina ng aking pisikal na katawan at pagod na isipan. Naitanong ko sa aking sarili kung bakit ako ang gumagawa nito? Ano ang kinalaman ko sa humanitarian mission? Ano ang ginagawa ng mga higit na nakakataas sa aming himpilan? Hindi ba’t mas higit silang bihasa dito? At batid kong may departamentong tagapangasiwa sa mga ganitong klaseng pangyayari. Ngunit bakit kami ang gumagawa?

Sa kabila ng mga katanungan na ito ay inisip ko na lamang na isang malaking pagtitiwala ang ipinagkaloob ng aming himpilan na gampanan ang tungkulin. Isang malaking oportunidad na maging bahagi ng isang misyon. Napatunayan ko na ang humanitarian mission ay hindi nangangailangan ng sapat na kaalaman, bagkus ng puso at dedikasyon sa tungkulin na maisalba ang buhay ng mga tao anuman ang lahi ng mga ito.


At sa kabila ng puyat, pagod at matinding sakripisyo, ay higit ang ginhawang katumbas sapagkat naitawid at nailigtas namin hindi lamang ang aming kababayan kundi maging ang ibang lahi sanhi ng bakbakan sa Libya. Sapat na itong kaginhawaan at kaligayahan.



Photos credit to wordpress.com


Wednesday, July 29, 2015

An Open Letter to Makabayan bloc

Dear Makabayan bloc,

You have shown courage by raising the placards in Plenary Hall towards the end of President Aquino III final stage of his SONA. And now I’m encouraging you to use that courage by securing the Spratlys and our territory against China in a territorial dispute. And then, let’s measure your fearless and power. Use that unparliamentary of your behavior to China. And let’s see how far are your solemn obligations to us as our representative to speak the power like what you’ve always said.

We understand your sentiments because the President of the Philippines did not enumerate and failed to mention your  “so called issues”. You’ve expressed your grievances on that day of SONA because according to you as a member of the militant lawmaker; the poor and hungry people did not felt the much-vaunted economic development, and the contractualized workers who are disempowered from striking, the Yolanda victims who don’t have shelters until now. Therefore, you break the official rules of good behavior in parliament.

And because of that, you’ve created and cause a brouhaha inside the Plenary hall using brandished posters with phrases such as “Pahirap sa mga manggagawa at kawani” , serbisyo palpak” and “Mapang-aping hasendero”.

You’ve never considered to arrange a press conference and joined the rallyist outside the streets to hear your voice. Instead, you’ve shown unethical behavior inside the Plenary hall with people of the congress, other politicians and celebrities. All were planned accordingly. It’s a very awesome performances- a good Director, Script Writer and Actors. You are very brave and well-educated. That is the product of your hardwork in law schools. Very Admirable.

That’s why we need your courage- the lawmakers who flashed the posters aside from Rep. Neri Colmenares and Rep. Carlos Zarate of Bayan Muna Party-list, Emmi De Jesus and Luz Ilagan of Gabriela party-list, Terry Ridon of Kabataan Party-list, Fernando Hicap of Anakpawis party-list and Antonio Tinio of ACT-Teachers party-list to face the CHINA in territorial disputes and to stop the construction of several man-made islands in the West Philippine Sea.

Then show to all Filipinos how courageous you are to control the China! Because you’ve always said, you are our representative to speak truth to power!

Ooops by the way, if we will send you in Spratlys we believe you can support your own budget in creating effigy against China. You've wasted a lot of money and budget (from the government tax?) in creating effigy since then, right? And by that time, we will also be glad because no traffic issues anymore in Manila because of you.

Enjoy your stay in Spartlys!


From the People of the Philippines


(Photos credit to the owner)





Sunday, July 26, 2015

Your sensitivity is insensitive


“Ouch! That hurts!”

Kailangan pa ba na may masaktan na kalooban bago natin maunawaan na ang mga sinasabi natin ay sumusugat sa damdamin ng ilan?

Madalas ay masyado na tayong nagiging mahayap sa mga pananalitang ating binibitiwan. Hindi natin isinasaalang-alang ang damdamin ng ilan- kung ito ba ay wasto at hindi magdudulot nang hindi kaaya-aya sa pandinig ng iba.

Walang humahadlang sa atin upang tayo’y magsalita ngunit minsan nakakalimutan natin kung kanino, kailan at saan tayo dapat magkontrol. Partikular minsan sa mga salitang hindi tayo nawawalan ng preno.

Magkaminsa’y dahil sa kapanatagan ng ating kalooban ay hindi natin inaasahan na naisisiwalat na natin ang mga personal na problema nang ilan.  Nagiging paksa ng usapan. Naging katuwaan nang ilan. Hindi natin alintana ang epektong dulot nito sa taong pinag-uusapan. Oo, maaaaring kasiyahan sa panig natin bilang indibidwal ngunit naisip ba natin ang epekto nito? Maaaring masaya tayo sa ating ginagawa pero isang kawalan ng respeto ang ipinapakita natin sa damdamin ng ilan.

TIWALA. Isa ito sa mahalagang sangkap ng buhay ng tao. At madalas ang kawalan ng pag-iingat sa tiwala na ibinahagi sa iyo ay nagwawasak nang mabuting pagsasama. Hindi nangangahulugan na nagbahagi sa iyo ang tao nang kanyang hinaing o problema ay kailangan na isiwalat mo rin ito sa iba at gawing paksa ng usapan; biro man ito o hindi. Matuto tayong maging sensitibo sa lahat ng bagay. Hindi natin namamalayan na may puso na palang lumuluha nang hindi natin namamalayan at nakakalimutan na natin ang limitasyon sa ating sarili.

Hindi ba't masakit na ang buhay mo ay gawing usapin sa mata nang ilan? At gawing katuwa-tuwa ang mga bagay na nangyari na hindi maganda? Hindi ka nakakatulong sa kanya bagkus ito ay  nagdudulot muli ng sugat na nagpapaalala sa pangit na nagdaan o kung hindi man ay pinalalala mo ang mga komplikadong sitwasyon.

Hindi ba’t mas higit na kasiya-siya sa pakiramdam na idinudulog sa iyo ng tao ang kanyang hinaing o problema? Nangangahulugan ito ng kanyang kapanatagan ng kalooban at higit sa lahat ay ang lubos na pagtitiwala. Ngunit, kung ang bagay na ito ay gagawin mo lamang paksa ng usapin ay tila tayo ay namamali ng ating layunin ng pagtanggap.

Minsan ay matuto tayong ilagay ang ating sarili  sa mga sitwasyon. Damhin natin ang dulot o epekto nito sa atin nang maunawaan natin ang nararamdaman ng iba. Saka natin sabihin sa ating sarili kung tama ba o mali ang ating ginagawa?

Tandaan natin na mas masakit ang sugat ng mga salita na ating binibitiwan kesa sa sugat na dulot ng patalim na iyong tangan.




Saturday, July 4, 2015

Timing is Everything

Punctuality is a way of accepting the importance of time. But coming late most of the time is a way of saying that your time is extremely useful than the office timing set by the company and/or in some other way your time is more costly to the person who waited for you.

In my opinion, being late once is not a big deal. But the habitual of coming late is really a problem. It shows lack of discipline and an unethical professional character.

And we couldn’t find any good underlying reasons for coming late most of the time. Let us have decency in all our action. Let us consider the feelings of the people around us. Valuing the given time schedule is showing respect and productivity in our self.

I am not condoning and against late coming in some rare occasion because sometimes it is acceptable. But a habitual of coming late even at work, it begs the questions; how was it allowed  himself/ herself to get this far? And how was it feelings? Isn’t it fair and just?

Agreeing to a meeting is a commitment and a respectable issue. It is a common courtesy to other people. It shows benevolent actions and admirable trait.

I remember when we were in school days; since our grades schools until we completed the college, the institutions and our teachers are always practicing us to be punctual in coming to school, meetings, submitting projects and reports. They taught us that even we are extremely good in curricular activities but if we are lack of discipline, it matters a lot. This is a setting standard norms that we have been practiced. And has a lot of impact to us and to others. Thus, we have to maintain basic discipline system most of the time even at work place and a meeting as well. This is very essential and not an indicator of a bigger problem. 

Nevertheless, emergency reasons are exempted in coming late. This is acceptable because this is unavoidable situation and never expected to happen. This is an important thing which is uncontrollable at the last minute of our time and we need to attend immediately. This is a sufficient reason if we may not be able to comply on the original plan.


But persistent of coming late is a rude manner, lack of consideration and no respect to others. It’s not a valid reason of a heavy sleeper and a trouble of waking up. Everything must be planned and manage accordingly. There is always a room for improvement and to change for the better quality of life; allowing CHANGE as an option to escalate our self proportionally and professionally.

Being perpetual late comers can have a damaging effects among peers which might affect the work habits and the morale of others. And will influence other people that being late wont matters at all. This may cause a domino-like effect among them and have a big impact especially to the next generation. And this sort leads to poor morale- a lackadaisical attitude. 

Remember that when we do the right thing, we feel good about it; because you build a strong reputation in your character.

Therefore, this is a challenge for us to be a responsible individual; handling commitments, priorities and determine the leadership. I believe, we can always make a change for the better. It depends on us if we will embrace it or not.







Wednesday, June 17, 2015

Comprehensive guidelines on Ramadan etiquette

DOS

Dress appropriately
Men and women are expected to dress in an appropriate manner, not showing too much skin and making sure hemlines and necklines are modest. So watch before you step out.
Exchange Ramadan Greetings
AdTech Ad
While meeting Muslims, it is customary to use the greeting "Ramadan Kareem" and at the end of Ramadan, during the Eid celebrations "Eid Mubarak".
Respect those on fast
Fasting can result in a change of temperament in some people; therefore be considerate towards the people around you.
Accept invitations
If invited to an iftar with friends or colleagues, do go along and always be on time if not a few minutes early. Remember not to go empty-handed; desserts are always a good option to offer the host.

DON'TS

Refrain from eating or drinking in public places
From dawn to dusk, no one is allowed to eat, drink or smoke in public places as a sign of respect to those fasting, therefore those who wish to eat or drink are advised to do so in private places.
Do not play loud music
Ramadan is a time for prayer and spiritual reflection, therefore playing loud music at home or in the car should be avoided. At the time of Azaan (call to prayer), the sound of music or TV channels should be put on mute.
Avoid driving during dusk
During sundown people head home to end their fast, therefore if it isn't required to be on the road, refrain from doing so and wait for half an hour.
Do not swear, shout or get angry in public
Ramadan is a time of patience and controlling emotions; swearing or any form of outrage is disrespectful to people as well as to the piousness of the month.
Do not engage in public displays of affection
It is against the customs of the country to engage in displays of affection in public, and even more so during the month of Ramadan.
Do not offer food or drink
Do not offer a Muslim food or drink during fasting hours, believing it to be an act of hospitality. They will understand and appreciate this gesture and not find it offending.

HOW NON-MUSLIMS CAN ENJOY THE SPIRIT OF RAMADAN

Ramadan is a month of spirituality, reflection, sharing and helping those in need. In fact, there are several ways in which even non-Muslims in the country can participate and imbibe the spirit of the month. Here are some tips on how you can join in:
Help the needy and give charity
Ramadan is a month of giving charity to the needy. This is the perfect occasion to hold a community charity drive to collect clothes, toys or books, etc. The collected items can then be handed over to one of many charities in the country.
Hold an Iftar
Hold an iftar for your Muslim friends and enjoy every step of the process of preparing this end-of-fast meal. Also invite those who are away from family and who have not eaten a home-cooked meal for a long time. Do ensure that all food is halal.
Fast for a day
Try fasting for a day. See how well you can control your needs and desires. It will also give you an understanding of what your Muslim friends and colleagues go through during Ramadan.
Promotions and activities galore
Shopping malls (extended hours) and restaurants in the city are offering a wide range of discounts. We say go out and soak up the spirit.
Time for some introspection
Ramadan is the perfect time to engage in introspection and to take a close look at our feelings, thoughts and action, and resolve to make improvements. How about giving up smoking?


Friday, June 12, 2015

Kamusta ka na Kaibigan?

Ilang taon na ang nakakalipas ng maging saksi ako sa iyong unang pagtibok ng puso. Natuwa ako noon sa mga nakita kong kaligayahang dulot ng iyong wagas na pagmamahal. Naramdaman ko ung sinseridad ng iyong mabuting intensyon sa kanya.

Nakakatuwang pagmasdan ang inyong pagmamahalan.

Mas higit n’yo pa itong binigyan ng kulay ng humarap kayo sa altar ng simbahan at nagsumpaan ng wagas ng inyong pag-iibigan. Hindi lamang ang pamilya, kamag-anak at kaming mga kaibigan mo ang saksi sa tamis ng inyong sumpaan. Maging ang Diyos ay labis ang kaligayahan para sa inyo. Sapagkat ipinagkatiwala n’yo ang inyong sarili sa isa’t isa.

Nagdaan ang maraming taon at nakita ko ang kasiyahang dulot ng pagbubuo ninyo ng inyong sariling pamilya.

May mga hindi pagkakaintindihan at tampuhan na nangyayari na alam kong ito ay karaniwan lamang sa buhay-mag-asawa.

Nakita ko ang pagsasakripisyo mo at nang iyong asawa. Nakita ko kung paano n’yo isalba ang buhay n’yo sa hirap ng buhay. Hindi kayo sumusuko. Lumalaban kayo sa mga pagsubok na dumarating. Nakita ko ang unang pagluha mo sa problema. Pero lumaban ka. Nagpakatatag ka.

Sa katunayan, sinikap mong magpakalayo at pumalaot sa ibang bansa dahil nais mong isalba ang iyong pamilya sa hirap ng buhay.

Nakipagsapalaran ka sa malayo. Nakita ko ang matinding pangungulila mo na malayo sa pamilya. Nakita ko kung paano pinagsikapan ng iyong asawa na maitaguyod ang inyong pamilya kahit wala ka sa tabi nila. Nagawa n’yong maiayos ang lahat.

Ngunit, bakit biglang umiba ang ihip ng hangin?

Bakit iba na ang nakikita kong dumudugtong sa iyong buhay?

Hindi ako makaapuhap ng maganda at mabuting kasagutan sa nangyayari sa inyo sa kasalukyan. Na matapos ang mahabang panahon ng inyong pagsasama bilang mag-asawa ay unti-unti lang pala itong mawawasak ng isang maling desisyon sa buhay.

Hindi ko mawari kung ang pangingibang bansa mo ang nagtulak sa iyo nito. Hindi ko maintindihan kung ang ito ba ay dahilan ng iyong pangungulila  sa  pamilya. Hindi ko alam kung binulag ka ng malaking halagang kinikita mo sa ibang bansa. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa isipan mo sa mga oras na ito na habang ang iyong sariling pamilya ay walang patid ang pagluha ng pakikipaglaban sa iyo.

Nakakasilaw pala ang salapi kesa sa pagmamahal. Kaya nitong baguhin ang pintig ng iyong puso. Kaya nitong imaniubra ang iyong pagmamahal sa iba. Nakakatakot!

Kinausap mo ba ang iyong sarili?

Naisip mo ba ang damdamin ng iyong pamilya at higit sa lahat ng iyong mga anak. Ang epektong dulot nito sa kanila. Iginalang mo ba ang kanilang damdamin? O sadyang inisip mo na lang ang pansariling kaligayahan? Madamot ka na kaibigan! Ibang-iba ka na ngayon.

Nakailang pagluha na ang iyong asawa upang maipaglaban ka at maisaayos ang lahat. Ngunit tila sinara mo ang iyong taenga sa iyong mga naririnig. Tinakpan mo iyong mga mata sa abang kalagayan ng iyong pamilya. Tila nagbubulag-bulagan ka sa nakikita mong matang nagungusap mula sa iyong pamilya.

Nasaan na ang pangako mo noon sa harap ng Diyos?

Hanggang doon ka na lang ba?

Mas ikinapanatag na ba ng iyong kalooban ang iyong mga desisyon laban sa iyong sariling pamilya?

Sana tama ka sa iyong paghakbang. At sana ay mali ako sa aking mga nasasabi at naririnig.

Nakakapanghinayang lamang kasi ang magandang nasimulan na maglalaho ng ganoon na lamang…