About Me

My photo
ABU DHABI, United Arab Emirates
Sa kabila ng mga ngiting inyong nasisilayan ay nagkukubli ang isang damdamin na naghahanap palagi ng mga tamang kasagutan. Tinutuklas ito ng mga matang mapagmasid, maging ng tengang nakikinig… at tinitimbang ng pusong nakadarama at maging ng isipang kumikilala. May mga saloobin na hindi kayang isigaw ng damdamin sa paraang hayagan. Tanging ang makinilya, ang pluma o papel ang tanging KAKAMPI, ang tanging makakapagpagaan ng umiiyak na kalooban…Tanging ito lamang ang magpapawi ng agam-agam o kalungkutan…Ang magpapasaya ng lahat.. Ang tutuklas at kikilala ng mga baluktot at magandang pangyayari sa buhay…

Tuesday, December 11, 2012

ASTIG KA PA RIN IDOL


Sigawan at palakpakan, iyan ang madalas nating naririnig sa tuwing may laban si Manny Pacquiao. Halos ang buong sambayanan ay nakatutok sa kanyang laban, maging ang kalye o kalsada ay malinis sa buhol-buhol na trapiko na madalas nating nararanasan.  At hindi rin pahuhuli ang mga kababayan natin na nasa ibang bansa na tulad namin na masaksihan ang bawat laban niya. Lahat ng gawain ay isinasantabi, wag lang pumalya sa bawat aksyon na magaganap-  sa laban ni PACMAN.

Hindi ako lehitimong mahilig sa panonood ng boksing, ngunit nang magsimula ng mag-ingay ang pangalan ni Pacman sa buong mundo, ay nagkaroon ako ng biglaang interes sa panonood sa bawat laban niya. Nakakatuwa ngang isipin na maging ang mga bata ay ginagaya ang bawat kilos  o galaw ni Manny sa tuwing sila ay naglalaro o nagkukuwentuhan.

Natatandaan ko pa noong nasa Pilipinas pa ako, sa tuwing may laban si Pacman ay mahilig akong manood via Pay-Per-View. At kung minsa’y nakikipagsiksikan sa mga tao sa isang malaking screen upang mapanood lang ang laban niya. Nakakatuwa nga ang bawat reaksyon ng tao..Magugulat ka na lang sa kanilang mga sigaw. Daig pa nila ang mga nanalo sa Lotto sa tuwing makakapuntos o makakalamang si Manny. May mga pansumandaling katahimikan, at magugulat ka na lang bigla na halos sabay-sabay na magsisigawan ang mga tao. Tila magkakadugtong ang kanilang mga emosyon sa bawat aksyon ni pacman. Sobrang saya na manood. Halos ang iba ay malasing na sa sobrang excitement.

Matapos ang pinagwagian na laban ni Manny, halos lahat ng sambayanan ay nagdiriwang. Ang iba ay nagtitipon-tipon at muling sasariwain ang napanood habang pinagsasaluhan ang mga alak na kanilang inihanda bilang selebrasyon sa tagumpay, hindi lamang ni Manny kundi ng buong Pilipino.

Maging kaming mga nasa  ibang bansa ay di rin pumapalya sa panonood ng laban ni Manny kahit sa oras ng trabaho. Sisikapin namin makahanap ng live streaming. Nakakatuwa ngang isipin na madalas nagpopost ako sa Facebook at nagrerequest ng link para sa live streaming upang makasabay ako sa panonood sa buong mundo. At habang nagtatrabaho ay pasimpleng pinapanood ang kanyang laban. Iyon nga lang, ang hirap sumigaw kapag nakakapuntos si Manny. Baka mahuli ng mga amo. Pero pagdating sa bahay ay papanoorin uli ang replay at doon ay ibubulalas ang emosyon na hindi kumawala kanina sa opisina. Doon muling ibubuhos ang sigaw at  palakpak, parang hindi napanood kaninang umaga ang bawat detalye ng kanyang laban.


Ilang hiyawan at sigawan bilang pagbubunyi ang madalas kong marinig sa tuwing may laban si Pacman. Halos mabasag nga minsan ang ear-drum ko sa sigawan ng mga manonood. Pero, di ko ininda iyon, parang mas ramdam na ramdam ko ang diwa ng pagka-Pilipino. Ang sarap ng pakiramdam na marinig ang bawat sigaw, ingay at palakpak ng mga pinoy.

Sa pagbagsak ni Manny nitong huling laban niya, nasaksihan ko rin ang ingay ng mga kapwa ko kababayan at mas higit kong naramdaman ang pagkakaisa ng kanilang saloobin. Ang lahat ay nabigla, at pasimpleng naluha at nalungkot. Pero, isang bagay lang ang napatunayan ko sa kanila, sa pagbagsak ni Manny, hindi pa rin nawala ang respeto at paggalang ng buong sambayanang Pilipino sa kanya.

Sapagkat napatunayan natin in every game, sometimes we lose and sometimes we win. At sa kabiguan na iyon, hindi iyon naging hadlang upang mawala ang respeto, bagkus mas higit kong napatunayan ang pagkakaisa ng mga Pinoy sa mga bumabatikos laban sa kanya. 

Saturday, November 24, 2012

INVADING THE PRIVACY OF OTHER IS DISRESPECTFUL AND AGAINST HUMAN ETHICS


Hindi natin maikakaila na ang bawat isa sa atin ay may mga pribadong buhay na pinakakaingatan, maging ito man ay ang ating saloobin, personal na pangangailangan, nasasakupan , mga usapin  at maging ang mga personal na argumento. Ang lahat ng mga ito ay nangangailangan ng respeto at pang-unawa. Samakatwid, ang respeto ay makakamit lamang kung magkakaroon ng malawak na pang-unawa sa  karapatan ng bawat isa. At may mga bagay din na dapat tayong ikonsidera sa karapatan ng bawat isa lalo pa’t ito ay pagmamalabis at nakakapinsala o nakakaperwisyo na sa iba.

Ano nga ba ang tungkulin  ng pagrespeto sa pribadong buhay ng tao?

Ang pagrespeto sa karapatan ng ilan ay nangangahulugan ng pagiging makatao at may lalim ng pang-unawa sa pangangailangan ng ilan.

Ang panggagambala nang makailang beses ay sumisira sa samahan na pinakakaingatan at nagmimistulang di kaaya-aya. Ito ay isang pagmamalabis sa karapatan ng bawat isa.

Maraming mga pagmamalabis na ginagawa ang tao sa karapatan ng ilan. At ang mga sumusunod ay ilan lamang.

1. Ang PAKIKIALAM sa gamit nang ilan na walang pahintulot ay isang uri ng pagnanakaw. Maaaring ikonsidera ang pagkaganid na asal. Maging ang bagay na ito ay simple lamang o hindi. Dapat din isaalang-alang ang paghingi ng PERMISO sa kung sino man ang nagmamay-ari. Ang pagpasok sa kanyang teritoryo nang basta-basta ay isang uri ng krimen. 

2. Ang talamak na gawi na PAGPIYESTAHAN ang tao nang talikuran ay isang uri ng kasalanan. Maging ito man ay totoo o hindi ay hindi karapatan ng ilan na gawing paksa ng usapan ang isang taong walang muwang at walang kamalay-malay sa kanyang ginagawa. Kung may pagkukulang man o pagkakamali, hindi makatwiran na lumikha ng usapin laban sa kanya. Sapagkat ito ay paglapastangan sa kanyang sariling pagkatao. Walang sinumang tao ang may karapatang manghusga ng kanyang kapwa na walang SAPAT o  KONKRETONG batayan sapagkat hindi tayo binigyan ng pahintulot kailan man na gawing usapin ang buhay niya. 

3. Ang anumang ipinagkaloob na TIWALA ng tao sa iyo ay dapat pakaingatan. Ang pagwasak sa tiwala na napagkasunduan, maging ito man ay lihim o hindi ay hindi dapat gawing paksa ng usapan sa iba. Hindi nangangahulugan na gawin itong batayan upang may mapag-usapan o gawing sangkapan sa panahon ng di pagkakaunawaan. Ang tiwala ang pinakamakapangyarihang sandata ng tao na sa isang iglap ay puedeng maglaho dahil lamang sa maling bugso ng damdamin. 

4. Ang PANGGAGAMBALA sa katahimikan ng ilan ay hindi makataong-gawi. Ito ay paglapastangan sa kanyang karapatan bilang indibidwal. Lalo pa kung ito ay paulit-ulit na ginagawa. Magkaroon ng delikadesa sa sarili at matutong maging sensitibo. Ang kawalan ng sensitibong pakiramdam sa pangangailangan ng ilan ay nagdudulot ng kawalan ng wastong pag-uugaling moral. Huwag magmistulang makasarili sa damdamin. Isaalang-alang ang pangangailangan din ng ilan.

5. Ang PANANAMANTALA sa kahinaan ng isang tao ay humigit-kumulang ay nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa sarili at sa kapwa. Ang bawat indibidwal ay may kahinaan at kalakasan. Anuman ang kahinaan at kalakasan ay hindi dapat panghimasukan nang ilan sapagkat ito ay labag sa batas ng moral ng tao.

Ang panghihimasok sa pribadong buhay ng tao ay isang mahirap na usapin. Walang batas ng tao ngunit may ito ay tumatalakay sa usaping moral ng bawat indibidwal. Sa kabuuan, ang moral na paggalang hinggil sa  pagsasapribado ng buhay ng tao ay higit na dapat pagtuunan ng respeto sa kanyang nasasakupan, saloobin, kabuuan ng pagkatao at maging sa mga salita. Kung tayo ay umaasam ng respeto sa ating sarili ay nangangahulugan na matuto rin tayong rumespeto sa ating paligid.

Monday, October 29, 2012

Why Good Employees quit their job? (My Points of View)


From my experience, I just noticed why good and best employees quit their job early. There are several reasons why employees gradually lose their enthusiasm and later begin to disengage in their job.

I list down most of the common reasons. And here as follows:

1.       Relationship with Managers/ Immediate Supervisors – one of the top reasons why good employees decided to resign because of the relationship between immediate supervisors’ and managers. Authors Marcus Buckingham and Curt Coffman said in their book, First Break All the Rules: What The Worlds’ Greatest Managers Do Differently, that employees will not leave their job if their immediate supervisors/ managers treat them with equal and respect. Good managers have a big impact to the performance of employees. Thus, bad managers’ gave conflict and negative visions to employees in leading the track. No matter how much the salary if the employees received unprofessional treatment and not even acknowledge nor appreciate their job. The interest will diminish and will decide to leave. The important thing for the managers has the ability to listen and knows how to respect the individual difference of the employee. Narrow –minded managers have no space to handle employees and a company as well. Shouting and screaming creates a nightmare environment in the workplace and lay down their interest to work.

2.       Stress and Work-imbalance- a one employee doing jobs which is equivalent to two or more people. These are usually happens if the company retrench which result in longer working hours and even during day-off are forcing them to work. And their personal life almost disregarded. Working in long hours and additional work-load must be compensated equally according to the heavy loads and number of working hours and overtime as well. But the problem, there’s always unjust treatment and unequal fair compensation.

3.       Feeling Devalued and Unrecognized- employees are also human and they will not force you to recognize their effort but learn to appreciate and value their work and efforts to motivate them rather than negative criticism consistently. Mostly, a manager sees more of your negative side rather than the improvement you did. Screamers and mean bosses tend to distract the attention and enthusiasm of the employees. And the employees begin to scratch the surface of his interest.  That’s why all competent employees decided to leave than to stay and continue working for jerk.

4.       Lack of Growth & Opportunities- employees’ work in a company not only to earn money but to develop more of their skills. They are looking for advancement and progress. Not a stock-up knowledge and limited into.

5.       Lack of Equal Compensation- usually employees work hard just to earn more for the family even if it’s more time and extra work will be added to them. Thus, employees expecting equal compensation. All efforts and hard work must be paid accordingly with fair and just. However some manager’s overshadows all the efforts and hard work of the employees.  But managers’ have recognized and gave incentive to those employees whose interest bound between them. Favoritism and biased treatment have the tendency to quit in the company.

6.       Communication and Openness- primarily the common factor why employee quit jobs due to lack of openness and better communication. Managers must have the ability to collaborate, communicate and to listen to the opinions and explanations of the employees. Managers’ should understand the significance of the reasoning and work on retention strategies.

7.       Conflict with Peers – behavioral and personality conflicts are one of the common factors among peer groups. Conflicts sometimes results into deadly conversation and may results in leaving a job. Recognizing individual differences could help.

Remember Marcus Buckingham and Curt Coffman writes in their book,” People leave the managers not the company .”

Therefore, if you want your employee to retain, STOP the workplace into mess like drama. Employees should be treated normally and develop the environment more convenient for them. Share and contribute knowledge and expertise for the company. Give employees the power to solve rather than complainers. Good atmosphere may result to a good progress of the company. Equal compensation may strengthen the hard work and will result to talented employees on board. And in the end, if the employees will decide to leave they will never forget you on how you create good opportunities for them and how you help them to be a competitive individual.  However, bad managers will put you into track to avoid you in future - Bad Image and a jerk.


Photo Credit: Dumb Little Man

Thursday, September 13, 2012

ISANG SULYAP: Maskara ng Kasalanan

ISANG SULYAP: Maskara ng Kasalanan: Ilang beses ba tayong naglalakad papasok sa loob ng simbahan upang mag-alay ng panalangin at makiisa sa selebrasyon ng Eukaristiya? I...

Maskara ng Kasalanan


Ilang beses ba tayong naglalakad papasok sa loob ng simbahan upang mag-alay ng panalangin at makiisa sa selebrasyon ng Eukaristiya?

Ilang beses ba tayong mag-antada ng panalangin kapag aalis,  bago matulog o maging sa harap ng hapag-kainan?

Napakasarap pagmasdan ang mga ganitong gawi. Nakakahikayat ng damdamin at nakakapagpagaan ng kalooban. Nagiging ehemplo sila sa lahat ng karamihan. Nagiging katuwang upang mamulat ang ilan sa baluktot na usaping moral.

Kaya lang…

Kaya lang….

Ooops, teka muna…Mukhang namamali ang mga matang nakakakita at ang mga taingang nakakarinig sa sinasabi ng ilan.


Di ko maikakaila sa aking sarili na lumaki ako sa pamilyang may takot sa Diyos. Magulang ko ang nagturo sa akin ng kagandahang-asal ngunit di ko maikakaila na binaluktot ko rin minsan ang sarili ko sa mundo ng aking kabataan. Sinikap kong maiba at tumaliwas sa ordinaryong buhay na laging nasa loob lamang ng bahay matapos ang buhay-pag-aaral. Natuto akong kilalanin at tuklasin ang sarili kong kaligayahan at kasiyahan nang mga panahong iyon; uminom, manigarilyo, magbulakbol, madalas sa gimikan, at iba pang klaseng paglulustay ng pera…Wala akong halong pagsisisi sa mga bagay na aking ginawa sapagkat nakatulong ito sa akin upang mas makilala ko ang aking sarili at makita ko ang aking pagkakamali.

Ang mga nakalipas ay nagmarka sa akin at nagmistula kong gabay sa kasalukuyan. Hindi ko na hinangad na mabigo, masaktan at higit sa lahat ay makasakit muli ng kalooban. Natuto akong maging sensitibo sa aking mga nakikita at naririnig dulot ng aking mga nakaraan.

Naranasan ko kung paano ang manakit ng kalooban ng ilan.

Naranasan ko kung gaano rin kasakit ang masaktan maging sa salita ng ilan, ang mabigo sa iyong hinahangad at ang mawasak ang iyong pinakakaingatan.

Sa mga karanasang ito ay naunawaan ko ang damdamin nang nakararami. Mahirap pala ang pinag-uusapan ka, maging tampulan ng panunukso o pangangatiyaw at alipustahin ka dahil sa iyong kahinaan at kapintasan. Minsan kailangan mo IKUBLI sa iyong mga ngiti ang tugon ng iyong negatibong damdamin sa kagustuhan lamang na makaiwas at hindi humaba ang diskusyon.

MALI! Pero ito ang iisipin mo na makakabuti minsan. Sapagkat hindi natin saklaw ang takbo ng pag-iisip ng ilan.

Ang pag-iwas ay hindi lahat nangangahulugan ng karuwagan. Bagkus ng pagpapakita ng lawak ng dunong na natutunan sa loob ng eskuwelahan.

Respeto sa kapwa ang una kong natutunan. Igalang ang indibidwal na kaibahan. Huwag gawing batayan ang sarili sa pagkilala sa ilan. Huwag sukatin ang layo ng iyong hakbang sa ilan sapagkat baka maligaw ka.

Sa bawat hakbang ko sa kasalukuyan ay sinikap kong maging maingat, Hindi ako naghangad na maging perpekto sa mata nang nakararami. Bagkus ang hangad ko ay maibalik ang tiwala at respeto na aking pinakakaingatan.

Hindi ito isang panunuligsa sa pangkalahatan. Ito ay obserbasyon lamang sa mga ilan na nagbabalatkayo at nagkukubli sa anyo ng simbahan, mga taong nagrorosaryo araw-araw, mga taong bukambibig lagi ang Diyos. Ngunit kapos sa pagsasabuhay.

Mas makakabuti pa nga minsan na kasama mo ang mga taong bihira magdasal o magsimba, ‘yun bang mga tinatawag na minsan ay “taong-pasaway sa mundo” sapagkat sila mismo ang totoo sa kanilang sarili. Kesa sa mga taong madalas sa simbahan at madalas mag-antada pero malalansa ang mga salitang lumalabas sa kanila.

Sabi nga nila, mas matinong kausap ang mga taong hawak ay bote at sigarilyo kesa sa mga taong ang hawak ay bibliya at rosaryo. Sapagkat sila ang mga taong higit na nagpapakatotoo sa kanilang sarili. Sila iyong mga taong walang pag-aalinlangan.

Ang mga taong paladasal ay maituturing ko sanang masasandigan sa aking paghakbang muli sa pagbabago. Akala ko sila ang MAKAKAUNAWA sa aking KAHINAAN at KAPINTASAN ngunit taliwas pala. Pagpipiyestahan pala nila ang iyong nakaraan, at kung anong meron ka. Sa halip na tulungan at unawain ka ay nagiging PAKSA ka ng kanilang huntahan….ng kanilang usap-usapan.

Mas napapansin ko na sa halip na maging katuwang ko sila sa aking pagbabago ay tila NABUBUHAY ang POOT at GALIT sa aking dibdib. Mas lalo akong natututong magtanim ng sama ng loob o makapagsalita ng laban sa kanila pag hindi na kaya.

Ngunit, minsan, naisip ko na masarap ITAWA o INGITI ang mga parunggit ng ilan laban sa iyong kapintasan. Sa halip na dalhin ito sa dibdib na magpapabigat lang ng iyong kalooban.

Mas higit kong napatunayan na ang mga taong ito ay puno ng insekuridad sa kanilang sarili. SIla ang mga tipo ng taong nalilimitahan ang sarili sa pakikiharap sa tao. Pero ‘ika nga "kailanman ay hindi maitatago ang natural na pagkatao kahit naka-abito ka pa".

Masarap maging bahagi na naglilingkod sa simbahan. Masarap ang nagdarasal araw-araw, ngunit kailangan ay mula sa puso at isinasabuhay…hindi NANGWAWASAK at NANAKIT ng damdamin ng ilan.

Sunday, September 2, 2012

VOUS REMERCIER ET L'ADIEU


It is with mixed emotions and I don’t know how I will start my wholehearted thanks for welcoming us into your life.

Sometimes we were so busy that we could not find time to say “thank you” even in a simple way. We feel hesitant to express our appreciation to the good camaraderie we had and especially to someone who has been so nice and wonderful.

But for me, I will always be proud to say “THANK YOU” for the kindness and for sharing your life with us. I know that your decision is not easy. But we’re happy to the decision you made. I know that we cannot provide you the happiness you’re looking for. And I know you will be succeeding to the next phase of your life. Saying goodbye to us should not make you sad because you are going to pursue something better. And I believe, God will bestow you with success.


This is the hardest part but sometimes is the best things can happen.

My heart always breaks and feels sad if someone who is dear to me will leave. But, I know there is a new life ahead of us. The long distance is not the hindrance to meet us again. We live in the world dominated by technology which is very essential for us to communicate. Hope you will NOT forget us like what we will do. You are one of the best person I’ve met.
One thing, I would like you to know…We will miss our lunch together, our laughter and your “ignorance” in some discussions during lunch time (Do you remember when Arnel speaks about something that most of us understand but you failed to understand same with Kaycee?)

We will never forget the moment we visit you in Tourist Club, our hang-outs together with some of our friends, our night-life gimmick sometimes, our "tambay-mode" in Kuya Dong house with the rest of the gang - Edmon, Arnel, Pj, Mervin, Dennis, Glenn and Kaycee and even our “gala-mode” in Jumeira, Dubai with Arnel and Mervin. You are our lucky driver..heheheh.. 
We have individual differences but you opened your door for us. You gained our respect and the trust.

Accept the fact that some people may not understand you but just leave them behind and thank them ‘coz in some other way, they’d helped you to become a better and stronger person.
To tell you, it’s an enriching experience working with you even in a short period of time. I will truly miss the time I visit you in your department during the tiring office hours just only to tell our secrets together, my insanity, my hatred and my happiness. And in the end, we ended it laughing.
Times closer and soon you’ll be leaving. But no worries, we will keep the pictures of happiness we have. We will not say goodbye but rather we will send you our prayer to have a better life in your chosen career.

It isn’t often I write this kind of message. Mostly, I always render message to only a real and good friend of mine. And you are one of them, you are always have been a good person to me like Kuya Dong.

I am a hard to please person basically and very meticulous because not people surrounds you will

not appreciate the real you. I’m lucky ‘coz you appreciate me of who I am. From my heart, thank you a hundred folds.

Don’t cry again when you leave. But smile to the success awaits you.

God bless Ms. Elvie Onada Proctan. Wait me  in New York….(Who knows, right?)

Tuesday, July 24, 2012

Gratitude is the memory of the heart


It isn’t often that I say this, but I wanted to thank your family for being such a good example to me and to my family as well. I personally thank you for welcoming me and my family to be part of yours. We always appreciate the kindness, the prayers and the support you always provide for us especially in our most difficult time of our lives, my struggle and my decision I made.

We always recognized the effort you always offered for us even to my loveable Ate Chin, Ate Camille, , Carl, Clyde, Cedrick and to my Sister Jovy and in-law Chris. They always remember you and acknowledge every simple thing you gave. Your family is one of our inspirations and considered as one of a kind.

I personally thank your family for being a pillar of strength in overcoming my shortcomings and for always believing in me that all things will turn into more rewarding life.

I know that I have some shortcomings, but your family was there to listen, to tap on my shoulder and to encourage me more than others do especially to the decision I made.

Your family always cared and stood by our side. You helped me climb high during my tough times.

I have been extremely blest as I learned a lot from your family which helps me to be more patient and be on top of success.

To Bronil - Pascasio family, we are in grateful to know you and we will always treasure your family. My mom before she passed-away, she always appreciate all the kindness you shared not only to me but to my family as well. She recognized your guidance and for believing in me that in the “apparent” darkness there is a true light awaits. My parents always remind us to appreciate and to acknowledge every simple thing we received in our lives. And we owe this a lot from our parents and to you as well.

I am forever indebted to your family for being added instrumental to my parents in changing my principles in life which in the past was one filled with deeply rooted of immaturity to all my decision. The advices convince me that I solely am responsible for my own circumstances.

Thank you so much.
.

Saturday, June 16, 2012

BLOG BA 'IKA MO?


Sa panahon na nakakabagot ang oras at sa kawalan na magawa sa oras ng trabaho o maging sa oras ng pamamahinga ay malaking tulong ang paganahin ang imahinasyon at gawing kaiga-igaya ang bawat oras hanggang sa hindi mo namamalayan na “Aba, uwian na pala”

Sa mga oras na ito at sa buong maghapon ay makailang beses na akong tumayo sa aking kinauupuan upang hindi tuluyang ibagsak ng aking mga mata ang pang-aakit na maidlip at matulog sa oras ng trabaho.

Madalas mas nakakalamang ang walang ginagawa sa loob ng opisina. Di ko mawari kung papaano ko gugugulin ang buong maghapon ko na maging abala gayong halos lahat na yata ng mga bagay na dapat ayusin na dati nang nakaayos ay inaayos pa rin para masabi lamang na may ginagawa.

Nakakabagot.

Ang akala ko nung una ay ako lamang ang walang ginagawa minsan sa buong maghapon. Hindi pala. Halos lahat kami ay may kanya-kanyang diskarte kung paano namin hihilahin ang oras namin na hindi namin namamalayan na “Aba, uwian na pala…”

Bagamat, hindi maitatatwa ng lahat na sa pagpasok pa lamang ng opisina at pagbukas ng kani-kanilang mga PC ay kasama sa mga nakabukas na tab ay ang walang kamatayang Facebook at YM maliban sa company mail na halos nakadikit na yata sa buhay ng tao.

Pansinin nyo minsan.

Iisipin mo bang ang kasamahan mo ay nagtatrabaho talaga kung makikita mo siyang biglang ngingiti at bubungisngis ng palihim..Hmnnn…may milagrong ginagawa..hahahahah..Panigurado, may kausap siya sa Facebook o sa chatroom na nagpapasaya sa kanya…

Magkaminsa’y magugulat ka na lang na parang may dinaramdam ang kasamahan mo sa trabaho…sapagkat bakas sa kaniyang mukha ang tila kalungkutan. Para malaman mo ang dahilan ay sumimple ka ng diskarte para makita mo ang dahilan ng kanyang tila pagdadalamhati…hmnnn, nanonood pala ng telenobela na “Walang Hanggan”…hahahahah…Ooops, wag mong aabalahin, nasa climax na siya ng pagpatak ng kanyang luha…baka maudlot…hahahahha

Minsan naman, di mo namamalayan wala na ang katabi mo sa upuan.

Nagpaalam ba ‘ika mo na pumunta ng CR para magbawas?…Huh??...Kalahating oras na ah?...

Hmnn, hintayin mo ang kanyang pagbalik at mababakas mo sa kanyang mukha ang isang marka na wari ay kamay na pinantukod  sa parte ng mukha habang nasa loob ng CR upang makaidlip…Subukan mong pansinin ang marka na iyon at ngingiti lang siya…SUCCESS sa pagkakatulog….

Magkaminsan naman ay magugulat ka na may e-mail notification kang matatanggap. Pag binuksan mo ang nakalagay ay: Bentong added a photo of you. To approve this for your timeline, go toTimeline ReviewAba si Bentong na nasa kabilang departamento lang ay nagawa pang mag-upload ng mga larawan namin at matiyaga pang nagtatag habang lahat kami ay nasa opisina…Akala ko kami lang walang masyadong ginagawa..Sila rin pala....At teka, naka-Instagram pa nga..

Hindi lang iyon, may matatanggap ka pang mga notification request sa mga games sa FB. Pag hindi mo agad na-accept ang invitation lalo’t mahalaga sapagkat malapit ng mabuo ang kanyang binubuong gusali sa Cityville ay magugulat ka  na lamang na may tatawag sa iyong extension line para lang iaccept ang help na hinihingi niya…Nagawa pa ngang maglaro ng mga games application….kurimaw talaga…haahahha

At katulad sa mga oras na ito, di ko namamalayan na uwian na pala at nabuo ang buong maghapon na nailathala ko agad ang samu’t saring kaganapan na naganap lamang sa buong maghapon.

Hay salamat sa mapanuring mga mata ko sa mga kilos at galaw ng aking mga kasamahan ay nakabuo ako ng makulay na lathalain sa araw na ito…


Hanggang sa muli…

Sunday, February 12, 2012

SAGWAN NG PAGMAMAHAL


Ang isang mabuting relasyon daw ay nasusukat sa haba ng inyong tunay na pagkakaibigan.

Hindi ko maikakaila na halos lahat ng mga taong sumuong sa relasyon ay nabuo lamang sa isang simpleng pagkakaibigan na nauwi sa totoong pagmamahalan.

Kung babalikan nga natin at sasariwain ang buhay natin sa panahon ng ating kabataan, katuwang ang taong naging kabiyak na ng ating buhay ay napakasarap balik-balikan…ngunit may ilan naman na ayaw nang sariwain at balikan dahil sa maling pagmamahal…

Sadya nga bang mapaglaro ang tadhana? O di lang tayo marunong makipaglaro kaya agad-agad tayong sumusuko?

O sadya lamang binulag tayo ng mga maling pagkakataon sa buhay natin?

Kaya nga minsan ay natanong ko sa aking sarili, paano mo ba sasabayan ang laro ng tadhana kung ang mismong kalaro ay ayaw ng makipaglaro?

“Hayyyyyy” …ang madalas nating nasasambit pag pumapalya tayo sa maling desisyon na ating ginawa.
Ngunit, kaalinsabay ng ating malalim na bunting-hininga ay ang muling pagbangon at pagharap sa inaasam sa susunod na maaaring sumugat ng ating puso o dili kaya ay tuluyang magpapahilom ng sugat na iniwan ng isang nakaraan.

Sa bawat pagtibok ng puso ay kaakibat nito ang timyas ng pagmamahal at pag-asang makakaagapay sa problemang idudulot ng hamon ng pagmamahal. Iyong handa tayong makipaglaro. Na kapag alam natin na nahihirapan na tayo ay natututo tayong magsagwan upang ibalanse ang mga bagay na alam nating magpapabigat lang sa lalim ng pagmamahal na sinisikap na buuin.

Walang perpektong relasyon.

Ngunit may taong handang gawing perpekto ang lahat , huwag lang mawasak ang nasimulan.

Kung ang bawat pangyayaring nagaganap ay tinitignan natin bilang isang pasanin sa atin ay hindi magiging progresibo ang lahat. Bagkus, magsisilbi pa itong matinding sugat o lamat upang tuluyang mabuwag ang binuong pundasyon ng pagmamahal.

Kadalasan pa nga, madamot tayo sa  Katapatan para sa ating sarili…

Bakit kaya?

Kabawasan ba ng ating pagiging tunay na lalaki o babae ang pagiging tapat?

O sadyang takot lang tayo na harapin ang katotohanan na nakagapos tayo sa sinumpaang pagmamahalan sa harap ng altar at ng Diyos?

Huwag lang sana dumating sa punto na sa iyong pagsagwan ay malunod ka at magkamali ka ng iyong pagsagip… na sa bandang huli ay pagsisisihan mo ang bangungot na ikaw mismo ang may gawa.

Thursday, February 9, 2012

NASA TAMANG HUWISYO KA BA KABAYAN???


Isa akong OFW.

Sa ilang taon ko na pamamayagpag sa buhay-abroad at pakikisalamuha sa iba’t ibang lahi ay marami akong napagtanto lalo na sa mga ugaling pinoy. Di ko alam kung likas o sadyang nagpapakitang gilas lamang.

Hindi ito isang pagkukundena bagkus namamasid lamang ang mali at baluktot na gawain na maaaring magwasak ng pamilyang binuo na matapos buuin ay wawasakin rin lang pala.

Sa aking pagmamasid at pakikisalamuha sa ating mga kababayan, marami akong mga katanungan sa aking isipan. Ngunit ang mga katanungan na ito ay di ko maapuhap ng magandang kasagutan na masasabi kong solidong katwiran.

Mga katanungan na naghihintay ng mapaninindigang kasagutan.

Mga katanungan na nanatiling katanungan sa lahat at nilalaro na lang ng lahat.

Nakakatakot…!

Ngunit hindi sa aking sarili bagkus sa mga taong nagtitiwala at nagmamahal sa kanila.

Kasi parang ginawa na lang nilang laro at palabas ang lahat…

Mga laro at palabas na alam nilang ang dulo nito ay magbubunga ng matinding lamat at magwawasak ng pamilyang umaasa…

Mga pamilyang umasa sa pangakong magsasama ng maluwat…

Minsan nga ay naitanong ko sa aking sarili…

Naihanda na ba nila ang sarili sa mga bagay na ayaw nilang mangyari?

O sadyang wala na silang paggalang sa asawa, anak at lalo’t higit sa kanilang SARILI?

Minsan nga ay nakakatuwang isipin, na matapos na ipagsawalang bahala ang iyong mga paalala sa posibleng mangyari ay sa bandang huli ay sa iyo rin pala lalapit upang humingi ng tulong at saklolo upang ayusin ang gusot na siya lamang ang may gawa…tsk tsk…

Mga taong naaalala ka lang sa panahon na alam niyang wala na siyang kakampi.

Mga taong naaalala ka lang sa panahon na kailangan niya nang karamay sa paglutas sa multong siya ang may gawa na kakatakutan din pala niya sa bandang huli.

Nakakatuwang isipin…dun ka lang pala niya alalahanin sa oras na nagigipit na siya sa bangungot na nilikha niya…
Mga panahon na minsan ay isinantabi ang iyong mga sinabi para sa kanyang ikabubuti.

Minsan naisip ko, bakit hindi niya kayang resolbahin ang problemang siya ang may gawa? Malakas nga ang loob niya nung sinuong niya ang baluktot at maling  daan para sa personal niyang kaligayahan, pero ngayong lilinisin na niya ang duming dinaanan niya ay di na niya kinaya?

Nasa tamang huwisyo ka nga ba kabayan???

Tuesday, January 24, 2012

MAY UTANG KA BA???

“Pare, pautang naman…kailangan ko lang kasi ng pera ngayon dahil may ……………….(mga samu’t saring dahilan na kauna-unawa naman)”

Naranasan mo na bang may dumulog sa iyo at sinabi niya ng diretsuhan na ipang-iinom niya lang ng alak o ipambabae o ipanlalaki niya o kaya ay sa mga walang kuwentang bagay?...Wala pa!…kasi kapag sinabi nila iyan ay paniguradong hindi mo pauunlakan…..Kaya kailangan na mag-isip ng magandang idadahilan na “ACCEPTED” ng taong iyong lalapitan……sa madaling salita “VALID”.

Nakakatuwa ngang isipin na maraming nakakaalala sa iyo sa panahon ng krisis ng buhay…..parang ang tingin ng tao sa iyo ay ikaw ang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS sa panahon ng kanilang paghihikahos…Hindi masama….Hindi masama ang tumulong sa iyong komunidad……Masarap ngang maranasan na makatulong sa tao sapagkat naisalba mo ang kanilang buhay sa kakapusan ng kakainin ng kanilang anak (?), sa kanilang mabigat na karamdaman(?), sa kanilang pag-aplay sa trabaho(?) pagkamatay ng kamag-anak(?), mabigat na karamdaman ng pamilya(?) mabigat na suliraning pampamilya(?)…at marami pang ibang kahabag-habag na dahilan na labis na ikadurugo ng iyong puso at ikababagabag ng iyong SARILING kunsensya….

kaya lang…..

kaya lang…….

kaya lang……….

Ooops, mahabang panahon na ang nakalipas….dumaan na ang buwan, mga buwan, taon, mga taon at ilang beses ng nagpainit si Haring Araw at nagpatulog si Reynang Buwan at tila……nasaan na kayo?????

Hayyyyy…..ang tao nga naman…kapag dumulog sa iyo ay walang patumpik-tumpik at mabilis pa sa tinatawag na “alas Kuatro” at sasabayan pa ng makabagbag damdamin nilang boses at kahabag-habag na mukha….ngunit sa panahon na kailangan mo na sila ay mas higit pa kay Pong Pagong sa kabagalan o katagalan sa pagtupad sa pangakong napagkasunduan…..

o kung hindi man ay tila iginuhit na nila sa tubig ang kanilang mga pangako….

o kung hindi man ay “IKAW PA ANG MASAMA!” at sila pa ang may karapatang MAGALIT.

Kasi makulit ka na nagpapaalala sa pangakong inyong napagkasunduan!…..

Oo nga no, makulit nga ako……Napagtanto ko na kaya pala ako nagtrabaho at nagpakalayo sa pamilya at pumalaot sa ibang bansa upang BUHAYIN ang lahat ng mga tao na nasa paligid ko???….

Hayyyyy…..Teka muna pala, naisip ko na naghihikahos nga din pala ang pamilya ko na kailangan din nila na maranasan ang ginhawa ng buhay..ngunit tila di nila magawa at di sila makaalagwa sa hirap ng buhay sapagkat may malawak na nakikibahagi sa aking pagsasakripisyo at pagpapakahirap sa mundo na malayo sa pamilya…..

PARAISO…..iyan ang tingin ng lahat ng tao sa lupain ng mga maunlad na bansa…Na lahat ng mga nasa ibang bansa ay nagkakamal ng mga malalaking salapi…at umiinog lang ang perang iyon sa kanyang mundo…..ikaw ang HARI ng iyong SALAPI….ikaw ang kanilang PAG-ASA…..hindi ng iyong pamilya kundi ng mga taong naghihintay na BAGYUHIN mo sila ng biyaya at AMBUNAN mo lang ang iyong pamilya…..

Ito ba talaga ang sistemang kinalakihan ng mga PINOY??...

Aba, kung magpapatuloy ang ganitong kalakalan ay wala na tayong ipinagkaiba sa mga LINTA na sumisipsip ng mga dugo at lakas ng tao…..mistula na tayong mga BAMPIRA ng ating sariling lahi…..ibinibilanggo natin ang ating sarili sa isang kahon na ayaw nating umalagwa at kumilos…..isinara na natin ang PRINSIPYO at PAGTITIWALA na ating pinakakaingatan….hinayaan na nating mabahiran ng DUNGIS ang ating pagkatao at MAWASAK ang matagal ng samahan na ibinuo na pinuhunan ng masayang alaala…..

Ooops..ito po ay obserbasyon lamang… “Batu-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit….ang mapikon ay siya ang laging TALO!”…..KILOS ka din kabayan……..